06/08/2026
๐ ๐ถ๐ป๐๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ป๐ถ๐ด. ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐๐ป๐ด ๐ต๐๐ต๐๐๐ด๐ฎ.
Hindi yung magsasabi agad ng dapat gawin.
Kundi yung makikinig, sasagot sa mga tanong, at tutulungan kang makapagdesisyon para sa sarili mo.
Ganito ang mga usapan sa Ugat ng Kalusugan, araw-araw.
Kamakailan, may isang client kaming anim na taon nang gumagamit ng injectable. Effective naman, pero napapaisip na siya.
Naiinis na rin siya sa bloating dahil feeling niya tumataba siya at marami na siyang naririnig na sabi-sabi tungkol sa contraceptives.
Isa sa mga tanong niya:
"Totoo po bang naiipon ang dugo sa matris kapag hindi nireregla dahil sa contraceptive?"
Hindi namin siya pinilit na magpatuloy o magpalit ng paraan. Nakinig muna kami.
Ipinaliwanag namin kung ano ang nangyayari sa katawan kapag gumagamit ng injectable, alin ang normal, at alin ang mga maling paniniwala.
Pagkatapos naming mapag-usapan ang lahat ng concern niya, siya mismo ang nagpasya na ipagpatuloy ang injectable dahil iyon pa rin ang pinakaangkop para sa kanya sa ngayon.
Ganito ang counseling para sa amin.
Hindi ito tungkol sa pagsasabi kung ano ang dapat mong piliin. Tungkol ito sa pagbibigay ng tamang impormasyon at ligtas na espasyo para makagawa ka ng desisyong para sa iyo.
Kung may mga tanong ka rin tungkol sa family planning o reproductive health, bukas ang pinto namin.
Welcome ka rito. Walang judger. โค๏ธ
---
*Ang kuwento ay hango sa tunay na karanasan sa aming counseling sessions. Ang larawang ito representasyon lamang.