18/06/2026
BALIK-ESKWELA PARA SA LAHAT!
Ngayong panahon ng pagbabalik-eskwela, mahalagang maalala natin na ang lahat ng bata, lalo na ang mga batang may special needs, ay dapat mabigyan ng pantay na pagkakataong makapasok, makilahok, at matuto sa paaralan.
Ang inclusive education ay hindi lamang simpleng pagtanggap sa mga batang may special needs. Ito ay pagbibigay ng tamang suporta, accommodations, at pagkakataon upang sila ay makasali at matuto nang may dignidad at kumpiyansa.
Dahil bawat bata ay may kakayahan. Bawat bata ay may pangarap. At bawat bata ay may karapatang maramdaman na siya ay kabilang.
Sama-sama nating gawing mas bukas, ligtas, at inklusibo ang paaralan para sa lahat ng bata. 💙💛
Reference:
Department of Education. (2025). DepEd Memorandum No. 043, s. 2025: Dissemination of the implementing rules and regulations (IRR) of Republic Act No. 11650. Department of Education.
UNESCO. (2026, March 5). What you need to know about inclusion in education. https://www.unesco.org/en/inclusion-education/need-know
Gaab, N., Reilly, M., & Tridas, E. (2023). Learning disabilities. In H. M. Feldman, E. R. Elias, N. J. Blum, M. Jimenez, & T. Stancin (Eds.), Developmental-behavioral pediatrics (5th ed., pp. 497–509). Elsevier.