27/07/2026
Mula sa mga tanong, patungo sa mga makabuluhang kasagutan.
Ngayong araw, matagumpay na naisagawa ang QMMC Postgraduate Medical Intern Research Paper Presentation 2026, kung saan ipinamalas ng ating mga PGMI ang kanilang dedikasyon sa pananaliksik, kritikal na pag-iisip, at ebidensiyang nakabatay sa siyensya upang makapag-ambag sa patuloy na pagpapabuti ng pangangalagang pangkalusugan.
Binabati namin ang lahat ng mga presenters, panelists, consultants, residents at organizers sa isang matagumpay na araw ng akademikong kahusayan.