03/05/2022
Sa diskusyon ni Gallaga (2021), malaki ang papel na ginagampanan ng mga filtered o edited na litrato online sa kung paano tinitignan ng madla, partikular ng mga kabataan, ang kanilang mga sarili, maging sa hubog man ng kanilang pangangatawan o mga paraan na kinakailangan nilang gawin.
Nakatuon ang literatura na ito sa mga isyung nakapaloob sa pag-advertise ng mga ideyal na paglalarawan ng mga tao sa mass media. Ang social media ay nagsisilbi na batayan sa mga kabataan upang mabuo ang kanilang sariling pagkakakilanlan. Sa paglaon nito, mayroong nagiging pagbabago sa mga pananaw ng kabataan hinggil sa kanilang itsura at katawan.