Dr. John Eric C. Sagun

Dr. John Eric C. Sagun ⚕️ Primary Health Care | General Physician

18/08/2024

Carbohydrates have the biggest impact on your blood glucose (blood sugar). The Nutrition Facts label shows how many grams of carbs are in each serving of packaged foods. One way to lower your carb count is to eat a smaller portion size.

19/06/2024
01/03/2024

Senior citizens do not need to present a prescription from their physicians to get the mandated 20-percent discount they are entitled to when buying over-the-counter medicines, according to the FDA.

READ MORE: inqnews.net/Q4zKdF

Preventing DM complications 💡
01/02/2024

Preventing DM complications 💡

16/11/2023
❤️
15/11/2023

❤️

BEST OF LUCK FUTURE MDs!!!💙🤍
20/10/2023

BEST OF LUCK FUTURE MDs!!!💙🤍

TODAY IS THE DAY!

The 4-day Physician Licensure Exam (PLE) begins today!
(October 20-21 & 27-28)

Good luck, future Physicians! 🙏

Magpacheck ng CHOLESTEROL every 5 years starting at AGE 20.Kapag AGE 40 or mula sa unang taon ng pagkakadiagnose ng DIAB...
16/09/2023

Magpacheck ng CHOLESTEROL every 5 years starting at AGE 20.

Kapag AGE 40 or mula sa unang taon ng pagkakadiagnose ng DIABETES, magpacheck every 1-2 years.

Kapag umiinom ng gamot para sa cholesterol, magpacheck every 3-12 months depende sa utos ng inyong doktor.

Sources:

- National Cholesterol Education Program Expert Panel on Detection, Evaluation, and Treatment of High Blood Cholesterol in Adults III
- American College of Cardiology/American Heart Association
- American Diabetes Association

Follow this page for more tips 👇🏽👇🏽👇🏽

Bantayan ang ating cholesterol levels hindi lamang para sa ating puso, pati na rin sa ating bato. Bakit kamo? Kasi kapag sumobra, nagbubuo ng cholesterol plaque na bumabara sa pagdaloy ng dugo papunta sa bato. Ang resulta: kundi magkakasakit sa bato, lalala ang sakit sa bato.
Bawas stress kung walang sakit. Kaya natin ito sa diet at exercise. Isulat sa comments below ang ating pangako sa healthy lifestyle.

Hindi naman ibig sabihin na lahat the cholesterol ay masama. Ang cholesterol ay nakakatulong magpalakas ng s*x hormones, importante sa paglikha ng human tissues at gumagawa ng bile sa atay. Madalas nakukuha ang cholesterol sa karne at gatas.

May dalawang uri ng cholesterol na nakikita sa resulta ng lab test: ang LDL at HDL. Madalas tawagin na “good” cholesterol ang HDL dahil nakakatulong ito sa cardiovascular system at minsan pagbawas ng LDL. Samantala, ang LDL ay tinaguriang “bad” cholesterol kasi ito ang dahilan ng pagkakaroon ng hardening of arteries. Atake sa puso ay posibleng nagmula sa hardening of arteries.

Source - https://www.healthline.com/health/high-cholesterol/why-is-cholesterol-needed

02/09/2023
25/08/2023
17/08/2023

LAHAT BA NG IMPEKSYON KAILANGAN NG ANTIBIOTIC?
Ni Dr. Iris Thiele Isip Tan

Hindi makakatulong ang antibiotic kung ang impeksyon ay dahil sa virus at hindi bacteria. Halimbawa, ang sipon at flu ay dahil sa virus kaya hindi kailangan ng antibiotic.

Ano ba ang mangyayari kung iinom ng antibiotic kung hindi naman kailangan? Aatakihin ng antibiotic ang bacteria sa katawan at magiging resistant na ito sa antibiotic. Kaya sa susunod na gamitin ulit ang antibiotic ay puwedeng hindi na ito tumalab. Minsan sinasabi ng pasyente ko, Dok uminom ako ng amoxicillin. Dati nawawala kaagad ang ubo ko, pero ngayon hindi na. Puwede kasing naging resistant na ang mga bacteria kaya hindi na ito namamatay sa amoxicillin. Ito ang tinatawag na antibiotic resistance.

Ano ba ang mga posibleng dahilan kung bakit nasosobrahan ang paggamit ng antibiotic?

1. Mga pasyenteng gustong gumaling agad at pinipilit ang doktor na magreseta ng antibiotic kahit hindi pa kailangan. Minsan napipilitan din ang doktor na magreseta ng antibiotic kahit hindi namimilit ang pasyente. Baka kasi hindi na bumalik ang pasyente kung sasabihin lang na uminom ng maraming tubig at magpahinga.

2. Mga pasyenteng umiinom ng antibiotic kahit walang reseta ng doktor

3. Mga pasyenteng umiinom ng antibiotic na natira o hindi naubos noong dating nagka-impeksyon

Sana ay gamitin lamang ang mga antibiotic kung kailangan. Lalo na ngayon na mayroong mga "super bugs" o mga bacteria na kailangan na ng matitinding antibiotic para mamatay, nang dahil sa antibiotic resistance.

Address

Quezon City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639171601729

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. John Eric C. Sagun posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Dr. John Eric C. Sagun:

Shortcuts

Share

Category