QMMC Department of Rehabilitation Medicine

QMMC Department of Rehabilitation Medicine Aim to enhance and restore functional ability and quality of life to those with physical disabilities

14/04/2026

📣📣📣MAHALAGANG PABATID📣📣📣

Sa lahat ng aming pasyente na mabibigyan ng iskedyul para sa kanilang therapy session, MAHIGPIT po naming ipapatupad ang mga sumusunod na patakaran dahil sa dami ng mga pasyenteng kasalukuyang nasa aming waitlist. Layunin po ng mga patakarang ito na masiguro na mabibigyan ng sapat at maayos na serbisyo ang bawat pasyenteng lumalapit sa amin.

1. Mangyaring dumating sa itinakdang araw at oras. Iwasan po ang pagkahuli upang hindi maapektuhan ang iskedyul ng susunod na pasyente.
2. Iwasan ang pagliban ng DALAWANG (2) sesyon. Ang sinumang lumiban nang DALAWANG (2) beses sa kabuuan ng kanilang sesyon ay maaaring tanggalin sa listahan upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang pasyente.
3. Mangyaring hintayin ang aming mensahe hinggil sa iskedyul ng inyong therapy session.
4. Kapag ang inyong therapist ay nag-abiso na siya ay hindi makakadalo sa inyong nakatakdang therapy session, mangyaring dumalo na lamang sa susunod na naka-iskedyul na session.

HANGAD PO NAMIN ANG INYONG LUBOS NA PANG-UNAWA SA AMING PATAKARAN UPANG MABIGYAN NAMIN NG MAAYOS AT PATAS NA SERBISYO ANG LAHAT NG PASYENTENG NANGANGAILANGAN NG AMING TULONG.

Salamat po. =)

09/04/2026

Our beloved Chairman often said that a leader’s true success isn't measured by what they build for themselves, but by what they leave behind in the hearts and minds of others. Looking around our department today, his success is undeniable.

To us, he was more than a title. He was the bridge that carried us through and the wing that helped us fly. He gave us the tools to succeed, the wisdom to lead, and—perhaps most importantly—the grace to fail and the courage to learn.

This video is a small token of our immense gratitude. It is our collective way of saying thank you—one last time—for the light he brought into our lives, for the lessons he taught us, and for the legacy he leaves in each of us.

Please join us as we say thank you and celebrate the extraordinary journey of Dr. Rodolfo Rosales, Jr – a man known to many as Junnie, and to our rehab team, simply and dearly, as Doc R.💔💔💔

Disclaimer: This post contains audio that I do not own. All rights and credits go to the original creator/owner. No copyright infringement intended.

Send a message to learn more

08/04/2026

📣📣📣PASASALAMAT📣📣📣

Mula sa aming mga Opisyal na Namamahala (OIC) Tagapangulo, sina Dr. Lawrence Manalili at Dr. Roberto Calupitan III, at sa bumubuo ng Departamento ng Rehabilitasyong Medisina, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nag-alalay, tumulong, sumuporta, at gumabay noong mga panahong ang aming Tagapangulo, si Dr. Rosales, ay nakikipaglaban sa kanyang karamdaman.

Lubos naming pinahahalagahan ang walang sawang suporta ng aming Puno ng Sentrong Medikal Quirino, Dr. Evelyn Victoria Reside; Punong Opisyal ng mga Kawani sa Medisina, Dr. Deborah Ann Sales; Puno ng Serbisyo sa Operasyon ng Ospital at Suporta Pampasyente, Bb. Cecilia Villamin; at ng mga kawani ng Medisina Internal sa pamumuno nina Dr. Anne Margaret Ang, Oncologist Dr. Borromeo Hernandez, Geriatric Medicine Dr. Adolf Lim-Teodoro, at Gastroenterologist Dr. Jimmy Bautista.

Gayundin, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga kawani ng MICU-ISO sa pamumuno ni G. Michael Gagarin, RN; sa mga kawani ng Seksiyon ng Parmasya sa pamumuno ni Bb. Beulah Villanueva, RPh; sa mga kawani ng Departamento ng Agham Radiolohikal sa pamumuno ni Dr. Eden Go at kay G. Roberto Bautista, RRT (APO); at sa aming mga Rehab Consultants na naging bahagi ng medikal team sa pag-aalaga sa aming Tagapangulo.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa MCC Office sa pamumuno ni Bb. Nadja Aro; sa Religious Committee na pinamumunuan ni Bb. Isabel Elona, MSc; sa Seksiyon ng Pangkalahatang Serbisyo sa pamumuno ni G. Michael Villagomez; kay Bb. Marlyn Anoñuevo; sa mga kawani ng IMISS sa pangunguna ni G. Jomaroque Revilla; at kay G. Amiel at G. Wilbert, na bukas-palad na tumulong upang maisakatuparan ang Memorial Mass kahapon para sa aming Tagapangulo, Dr. Rosales.

Sa pamilya ng aming pinakamamahal na tatay, Dr. Rosales, sa kaniyang butihing asawa Gng. Chinkie, maraming, maraming salamat po sa lahat. Salamat po sa pagbibigay ninyo ng inyong oras upang dumalo sa Memorial Mass na ginanap kahapon.

Sa lahat ng sumabay sa amin sa panalangin, nakiramay, at sumuporta, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong lahat.

At higit sa lahat, salamat po, Panginoon, sa pagbibigay sa amin ng pagkakataon na makasama ang isang doktor, na itinuring na din namin na pangalawang tatay, na ang tanging layunin ay magsilbi at tumugon sa mga nangangailangan, lalo na sa may karamdaman.

Muli, maraming, maraming, maraming salamat po.

06/04/2026

📣📣📣MAHALAGANG PABATID📣📣📣

Dahil sa kamakailang pagpanaw ng aming Tagapangulo (Dr. Rosales), kami po ay magalang na humihingi ng inyong pang-unawa hinggil sa inyong nakatakdang konsultasyon at therapy sessions. Ang aming departamento ay kasalukuyang dumaraan sa isang yugto ng transisyon sa panahong ito.

Kami po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa anumang abalang maaaring maidulot nito at lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtitiyaga at malasakit. Patuloy po namin kayong bibigyan ng mga update at sisikapin naming maibalik sa normal ang aming operasyon sa lalong madaling panahon.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

It is with deep sadness that we announce the passing of our beloved Chairman Dr. Rodolfo “Junnie” Rosales, Jr.He was not...
31/03/2026

It is with deep sadness that we announce the passing of our beloved Chairman Dr. Rodolfo “Junnie” Rosales, Jr.

He was not only a remarkable leader, but also a mentor, a guiding light, and a second father to many. His dedication to his patients, his passion for teaching, and his unwavering support for his colleagues have left a lasting impact on all of us.

We have witnessed his courage, his sacrifices, and even the quiet moments of his struggles—yet he continued to lead with compassion and grace. His legacy will live on in the countless lives he has touched and the values he has instilled in each of us.

We extend our deepest condolences to his family and loved ones. May he rest in peace.🙏🏼

✝️12 September 1962 - 30 March 2026

…be part of our team - APPLY NA!…♿️
25/03/2026

…be part of our team - APPLY NA!…♿️

..isang masayang pagbati sa inyo, Doc Philene and Doc Paul…🎉🎉🎉
12/12/2025

..isang masayang pagbati sa inyo, Doc Philene and Doc Paul…🎉🎉🎉

Mula sa pamunuan ng Pang-Alaalang Sentrong Medikal Quirino, taos-pusong binabati ang ating mga manggagamot mula sa Rehabilitation Medicine para sa kanilang tagumpay sa katatapos lamang na Philippine Academy of Rehabilitation Medicine Specialty Boards Part 1 Written na ginanap noong 30 Nobyembre 2025

PAGBATI!! 🎉🎉🎉



24/07/2025

📣📣📣MAHALAGANG PABATID📣📣📣

Ang serbisyo ng aming departmento ay magbabalik ngayon araw na ito, ika-25 ng Hulyo, mula 7:00NU hanggang 12:00NT.

Para sa inyong mga katanungan, mag-mensahe lamang po sa aming FB Page messenger. Hangad pa rin po namin ang kaligtasan ng lahat.

23/07/2025

Ipinapaabot po namin na wala pa rin pong konsultasyon sa Rehabilitation Medicine, Physical Therapy, at Occupational Therapy bukas, Huwebes, Hulyo 24, 2025 alinsunod sa Hospital Circular Blg. 23, s. 2025 at Malacañang Memorandum Circular No. 91, dahil sa patuloy na masamang panahon na dulot ng southwest monsoon o habagat.

Para sa mga emergency o agarang pangangailangang medikal, maaari po kayong lumapit sa Emergency Department ng QMMC na patuloy na nagbibigay ng serbisyong medikal.

Nauunawaan po namin ang hirap at pangamba na dulot ng ganitong sitwasyon. Nawa’y manatili po kayong ligtas at nasa mabuting kalagayan kasama ang inyong mga mahal sa buhay.

Mag-ingat po tayong lahat.

…FYI…☝🏼☝🏼☝🏼
23/07/2025

…FYI…☝🏼☝🏼☝🏼

Address

OPD Building, Room 12, JP Rizal St. , Cor P. Tuazon Boulevard, Project 4
Quezon City

Opening Hours

Monday 7am - 3pm
Tuesday 7am - 3pm
Wednesday 7am - 3pm
Thursday 7am - 3pm
Friday 7am - 3pm

Telephone

+63253049800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when QMMC Department of Rehabilitation Medicine posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to QMMC Department of Rehabilitation Medicine:

Shortcuts

Share