10/10/2026
No clinic today.
⚕️Currently attending UP-PGH workshop on nutrition. First talk is on 𝘀𝘁𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 and the effects on brain development.
What is 𝘀𝘁𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴❓️
🤯Ang 𝘀𝘁𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 ay isang uri ng 𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝗻𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 dala ng matagal na panahon na kinukulang ang isang bata sa tamang mga sangkap na susuporta sa kanilang development.
😵Ito ay madalas nakakadulot ng sumusunod na konsekwensya
➡️cognitive delay - kahinaan sa pag-iisip
➡️slowed growth - mabagal na pag-laki o pag-tangkad
➡️poor immune function - mahina na resistensya
🧒🏻👶🏻🫄Kadalasan ang 𝘀𝘁𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 ng bata ay nagsisimula sa unang 1000 days ng buhay, mula sa sinapupunan ng kanyang ina hanggang 2 taon gulang. Ngunit maaari mapansin ang mga epekto nito pag mas matanda na sila.
🥺 Ibig sabihin, pangmatagalan ang epekto nito at maaari maging permanente ang mga konsekwensya. Ito ay dahil ang pinakamahalagang pundasyon ng development ng utak at katawan ay nasa unang 1000 days ng buhay.
👩🏫 Kadalasan ang 𝘀𝘁𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 ay dala ng kombinasyon ng sumusunod:
Inadequate Nutrition - kakulangan sa husto na sustansya
〽️Poor Feeding Practices - maling kinagisnan sa pagpapakain at pag-dede
〽️Recurrent Infections - paulit-ulit na impeksyon
〽️Poor Maternal Health and Nutrition - kulang sa tamang nutrisyon ang nanay(lalo ang buntis o nagpapasuso)
〽️Inadequate Sanitation and Hygiene - maling kinagisnan sa kalinisan, kulang sa kalinisan
〽️Household food insecurity - kakulangan makakuha ng tamang uri at dami ng pagkain sa bahay
〽️Lack of Care and Stimulation - kapapabayaan o kulang sa tamang pag-aruga
⛔️ Ebidensya ng epekto ng maling nutrisyon na 𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝗻𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻, kasama ang 𝘀𝘁𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴
☢️Lower IQ and Intelligence Scores - kulang o mababa sa talino
☢️Executive Function Deficits - hirap makontrol ang behavior, hirap sa pag-focus, hirap magplano, hinde makapag-antay o makapagpigil
☢️Language Delay - delay sa pagsasalita at komunikasyon
☢️Impaired Academic Achievement - hirap sa pag-aaral
☢️Visuo-Spatial and Motor Delays - hirap sa pagkilos at pag-koordina ng katawan
☢️Socio-Emotional Challenges - hirap makisalamuha sa kapwa
☢️Socio-Economic Challenges - hirap umahon sa kinagisnang kalagayan at kahirapan
☢️Chronic illness and recurrent infections - pangmatagalang mga sakit at pabalik-balik na impeksyon
▶️ Ano ang maaaring gawin upang maiwasan ang maling nutrition at stunting
✅️Education - maging maalam sa tamang nutrisyon angkop sa mga buntis at na-aayon sa edad ng sanggol/bata. Sanayin at ituro sa mga bata ang tungkol sa tamang uri ng mga pagkain.
✅️Hygiene - maging masinop sa kalinisan, lalo na sa pag prepara, pagluto at pag tuwing kakain. Ugaliing maghugas ng kamay. Siguraduhing malinis ang tubig na iniinom at ginagamit.
✅️Food choices - piliin ang mga sangkap at pagkain na sariwa. Iwasan ang magpakain sa bata ng mga instant na pagkain na puro artipisyal na sangkap. Ugaliin tingnan at alamin ang NUTRITIONAL INFORMATION ng mga binibili sa grocery, sari-sari, at supermarket. Huwag basta-basta maakit sa mga napapanood sa mga palabas at patalastas.
✅️Mealtime routine - Ugaliing may tamang kinagisnan tuwing oras ng kain. Iwasang masanay ang mga bata sa maling kaugalian tungkol sa pagkain. Iwasan ang food substitute
🤷Kapag may katanungan o pag-aalala ukol sa nutrisyon o mga pagkain ng inyong pamilya, lalo na sa mga sanggol, bata o buntis, mabutihing lumapit sa inyong doktor o healthcare provider para sa karagdagang payo at kaalaman.👩🏻⚕️🧑⚕️👨⚕️