Admin Ria Samonte - Jay Costura

Directions Website

Admin Ria Samonte - Jay Costura JAY COSTURA OFFICIAL FACEBOOK GROUP VISIT US NOW AND JOIN! https://www.facebook.com/groups/jay.costura Ang grupong ito ay para sa lahat ng mga tagasuporta ni Ms.
(1)

Jay Costura. Lahat kayo ay malugod na tinatanggap, mga nostranatics sa buong mundo. Magpalaganap ng pagmamahal. ❤️
Sa mga may gusto po na mag pahula maari po kayong mag message sa Admin Avie Salvador - Jay Costura
May Admin po na sasagot sa mga katanungan para sa Schedule ng Face to face sa venue, Videocall Reading, Online Reading Hula,Cleansing o ano mang kahilingan
Salamat sa lahat ng tumatangkilik❤️❤️

Admin Ria Samonte - Jay CosturaSa nais mag pa SCHEDULE ng reading kay ms jay costura mag message lamang sa akin,press SE...
06/08/2026

Admin Ria Samonte - Jay Costura
Sa nais mag pa SCHEDULE ng reading kay ms jay costura mag message lamang sa akin,
press SEND MESSAGE NOW
==========================================

Online Horoscope Agosto 7, 2026

ARIES (Marso 21 – April 19) Kasabay ng paganda ng kapalaran mo ay gaganda rin ang kapalaran ng mga taong malalapit sa ‘yo at ng mga taong nakatulong sa ‘yo. Maiiwan naman at mananatiling mahirap pa sa daga parang pinagdamutan ng tadhana ang mga taong umaway sa iyo at ang mga taong nakaalitan mo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 7, 19, 25, 26, 35, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hihilahin ka ng iyong kapalaran sa malayong lugar na kung saan ay dapat kang magpatangay at wag kumontra, dahil naroon mismo sa malayong lugar at makakaharap mo ng personal ang tunay mong suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

TA**US – (April 20 – Mayo 20) Madidikit ka sa may magandang kalooban. Humahanga siya sa iyo dahil nakaaaliw kang kakuwentuha. Ang inyong pagsasama ay magbubunga ng maganda hindi lang sa personal kundi maging sa negosyo at sa kabuhayan. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 7, 19, 25, 26, 35, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Masuwerteng araw ito para sa pakikipagkaibigan. Mapapakinabangan mo sila sa iyong negosyo kaya lalo pang maiiwan mo ng milya-milya ang iyong mga kakumpetensya at karibal. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6, 15, 19, 24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) ) Napakabisa sa iyo ang mga sandaling hindi ka kumikibo dahil sa ganitong diskarte sumusuko sa iyo ang mahal mo at lalo mo pa siyang mapapsunod sa lahat ang gusto mo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 3, 12, 24, 33, 37, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Bawasan ang iyong sobrang pagsisipag at pagpapagod. Oo mahalaga ang yaman at salapi sa mundong ito pero ang higit na importante ay ang iyong kalusugan at ang mahalaga ay yong wala kang sakit na nagpapahihirap sa ‘yo. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na madaragdagan pang lalo ang iyong sigla at sigasig. Isa lang ang pinahihiwatig nito, magtutuloy-tuloy na ang pagdating ng iyong suwerte at magagandang kapalaran hanggang sa buwan ng Disyembre. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 37, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Malaki ang posibilidad na mabihag ang puso mo ng isang bagong kakilala na labis mong hahangaan at hahangaan ka rin niya. Mapupuno ng masasaya at masasarap na araw ang inyong karanasan, hanggang sa marating ninyo kapwa ang rurok ng kaligayahan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 17, 27, 34, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag kang magtatangkang magpapayat dahil ang lihim ang iyong kapalaran ay nagsasabing habang pataba ka ng pataba, pataba rin ng pataba ang iyong bulsa. At kung payat ka naman, marahil ay alam mo na ngayon kung bakit mapayat din ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Makulay ang iyong buhay. Punong-puno ng masasayang kaganapan. Kung saan, marami pang sopresang pangyayari ang magaganap na panggagalingan ng dagdag pang suwerteng hindi inaasahang pagyaman. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kikilos ang iyong kapalaran kaya sa ayaw at sa gusto mo makakagawa ka ng isang bagay na akala mo ay hindi maganda pero ang totoo pala ay ito ang magbibigay sa iyo na maunlad at masaganang pamumuhay. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kung ano ang dikta ng puso mo iyon mismo ang iyong sundin. Dahil hindi rason at isip ang magpapayaman at magpapaunlad ng buhay mo, kundi puso. Sa pagsunod sa iyong damdamin, ang suwerte at magagandang kapalaran ay magsisimula ng dumating. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag kang makihalo sa mga usapang wala ka namang kinalaman. Baka madamay ka at ikaw pa ang mapasama. Ang pinakamabuti mong gawin ngayon ay ang aturgahin ang mga bagay na pagkakaperahan at kung saan ka kikita ng malaking halaga, dahil dininig na ng langit ang iyong dalangin magsisimula ka ng ngayong umuunlad ng umaunlad at susuwertehin sa langaranngan ng salapi at materyal na bagay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 31, 32, 44

Nais mag palista para sa card reading ni MS JAY COSTURA?PINDUTIN ANG SEND MESSAGE AT MAG MESSAGE SA AKINInteresado ka ba...
05/08/2026

Nais mag palista para sa card reading ni MS JAY COSTURA?
PINDUTIN ANG SEND MESSAGE AT MAG MESSAGE SA AKIN

Interesado ka ba sa personal na pagbabasa ng card? 🔮🕯🀧🀣🕯

🔮I-secure ang iyong slot ngayon at simulan ang iyong paglalakbay patungo sa kaliwanagan at gabay. 🙏🙏🙏
Magpadala lang ng mensahe sa page ko
Admin Ria Samonte - Jay Costura.📩💌💬

Admin Ria Samonte - Jay CosturaSa nais mag pa SCHEDULE ng reading kay ms jay costura mag message lamang sa akin,press SE...
05/08/2026

Admin Ria Samonte - Jay Costura
Sa nais mag pa SCHEDULE ng reading kay ms jay costura mag message lamang sa akin,
press SEND MESSAGE NOW
==========================================

Online Horoscope Agosto 6, 2026

ARIES (Marso 21 – April 19) Hindi maglulubay ang pagdating ng magandang kapalaran sa iyong buhay. Kaya naman dapat na matututo kang mamigay at magbalato, upang lalo ka pang gantimpalaan ng langit. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 2, 11, 19, 25, 29, 43.

TA**US – (April 20 – Mayo 20) Batiin mo ng may pag-ibig at ngiti ang sinumang makakasalubong mo. Sapagkat sa araw na ito ang sinumang iyong babatiin at ngingitian ay magtatamo ng kakaibang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 14, 19, 27, 36, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi nawawala ang mga problema. Pero ang magandang balita, masosolusyunan mo ang iyong mga suliranin at pagkatapos ay uulanin ka na ng mga suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 9, 18, 32, 37, 41, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag aksayahin ang oras sa paghahanap ng solusyon sa iyong problema. Basta’t lagi ka lang magdasal. Lulutasin na ngayon ng langit ang lahat ng iyong mga suliranin. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 8, 11, 29, 31, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na magbabago ang buhay mo. Isang pagbabagong ngayon mo lang mararanasan, dulot ng isang taong biglang dumating sa buhay mo, na magdadala sa iyo sa isang malaking pag-unlad at tagumpay. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 8, 19, 25, 34, 43 at 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Makikita mong ang araw na ito ay mabigat sa mga taong nakapaligid sa iyo. Subalit para sa iyo, madarama mong parang ang gaang-gaang ng mundo. At sa susunod na mga araw, marami pang suwerteng bagay ang darating sa iyo. Mapalad na kulay beige. Masuwerteng numero 7, 11, 27, 39, 41, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Mabilis na pagkilos ang nararapat upang malagpasan ang mga problema. Kapag babagal-bagal ka lalo ka lamang sasabit. Sa agarang pagpapasya maraming suwerte at magandang kapalaran ang makakamit. Mapalad ang kulay na violet. Masuwerteng numero 5, 18, 25, 38, 41, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Lahat naman ng tao ay hindi nawawalan ng problema. Ang pagkakaiba mo lamang sa kanila makikita mong yong mga taong naiingit sa iyo magkakaroon na mas mabigat na problema, habang ang sa iyo naman ay nagmamahal magaang lang at bale wala ang kanilang prolema. Mapalad ang kulay na white. Masuwerteng numero 2, 13, 22, 31, 38, 42

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Marami kang napapabayaan sa kalalakwatsa. Minsan mas mainam na pakitaan mo ng kalinga at simpatsa ang mga taong malalapit sa iyo upang magpatuloy na dumapo ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong katawan. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 5, 11, 28, 38, 41, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Walang pagdududa na yayaman ka. Dahil ang kahulugan ng iyong kapanganakan, Disyembre hanggang Enero ay pagyaman. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 35, 39, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Dagdag na suwerte at magandang kapalaran ang iyong mapapala sa mga taong makukulit at mapagpilit kung pagbibigyan mo sila. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 2, 9, 19, 22, 31, 39.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Wag kang matakot, hindi mo dapat talikuran ang bawat hamon ng kapalaran, dahil sa bandang huli ikaw ang mananaig at magwawagi. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 5, 8, 17, 28, 38, 41.

Admin Ria Samonte - Jay CosturaSa nais mag pa SCHEDULE ng reading kay ms jay costura mag message lamang sa akin,press SE...
04/08/2026

Admin Ria Samonte - Jay Costura
Sa nais mag pa SCHEDULE ng reading kay ms jay costura mag message lamang sa akin,
press SEND MESSAGE NOW
==========================================

Online Horoscope August 5, 2026

ARIES (Marso 21 – April 19) Bagamat dumarami pa rin ang biktima ng kahirapan, kagulat-gulat pa rin ang magagandang kapalarang iyong matatanggap. Sa panahong ito ng iyong buhay, basta’t maniwala ka lamang, kung ano ang mga pinapangarap mo ay isa-isa nang magkakaroon ng katuparan. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 2, 17, 32, 35, 40, 43.

TA**US – (April 20 – Mayo 20) Pahalagahan mo ang mga munting tulong na iyong natatanggap. Ganon din ang mga biyayang dumarating sa iyo kahit anupa ito. Habang pinapahalagahan mo ang lahat ng bagay at tanggap lang ng tanggap ng may pasasalamat, darami iyan ng darami, hanggang sa maging isang dambuhala at napakalaking suwerte. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 7, 16, 22, 34, 42, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Magpasya ka na sa araw na ito, at isa lang ang dapat mong ipasya. Minsan pa muli mong ilabas ang lakas ng iyong loob. Gamitin ang lakas ng loob na ito at makakaasa ka na ang malaking tagumpay na noon mo pa gustong-gusto makamit ay ipagkakaloob na sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 9, 18, 26, 37, 41, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag kang mawawalan ng pag-asa kahit na maraming problema na dumarating, sapagkat dahan-dahan lang talaga ang dating ng iyong suwerte. Bagamat paisa-isa muna ang dating pero habang nagtatagal, dadami na ng husto ang buhos ng suwerte at magandang kapalaran sa iyong buhay. Mapalad na ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 3, 9, 15, 29, 37, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Matatanggap mo na ngayon ang regalo sa iyo ng langit. At ang regalong ito ay nagsasabing mapaparam at mawawala na ang mga hinanakit mo sa buhay simula sa araw na ito at mapapalitan ng labis na kagalakan sanhi ng sunod-sunod na suwerteng ipagkakaloob sa iyo ng langit na may kaugnayan sa materyal na bagay. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 8, 19, 28, 37, 39, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Oo medyo nakukulangan ka pa sa mga biyayang natatanggap mo at alam yan ng nasa itaas. Kaya naman kikilos ang langit at magdadagsaan ang suwerte at magagandang kapalarang darating sa iyo sa susunod na mga araw. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 7, 10, 20, 25, 35, 43.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Inuutasan ka ngayon ng iyong kapalaran na lasapin ang mga suwerteng nasa sa iyo na. Ibig sabihn, kahit panandalian lang ay namnamin mo ang lasa ng masarap mong buhay. Gawin mo ang isang bagay na nagpapasaya sa yo –mamasyal ka at bumili ng masasarap na pagkain. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 12, 27, 30, 35, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi umuubra sa iyo ang mga pagsubok, dahil simula sa araw na ito, habang sinusubok ka ng langit, lalo ka namang tumatatag at tumatapang. Ang isa pang magandang balita, ang lahat ng pagsubok na nararanasan mo sa kasalukuyan ay magagawa mong oportunidad upang lalo pang gumanda ng gumanda ang iyong kapalaran. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 11, 23, 36, 41, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ngayon pa, hindi ka dapat sumuko, dahil matatag na pagkatao ang regalo sa iyo ng langit. Gamitin mo ito sa bawat hamon ng kapalaran. Makaaasa ka na susuko sa iyo ang lahat ng pagsubok at mga problema. At dahil susuko sa harapan mo ang mga problema, sa dakong huli malaking pagwawagi ang iyon maiuuwi. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 17, 26, 28, 31, 35.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Matapos kang subukan ng tadhana, ikaw ay tila muog na bakal, lalong titibay. Ang tibay mong taglay ang magsisilbing puhunan upang matupad mong lahat ang iyong inaambisyon sa buhay hanggang sa ikaw ay yumaman. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 14, 27, 32, 41, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Labis kang pinagpala, dahil sa kasalukuyan, nagbabalak kang ibagsak ng mga naiingit sa iyo at ng mga nakaka-intrigahan mo. Ngunit dahil mabagsik ang iyong kapangyarihan sa ngayon, sila na nagbabalak ng masama sa iyo ang ibabagsak ng langit – sila ang mapapahamak at malalagay sa sobrang kahihiyan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 6, 15, 27, 32, 42, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Babantayan ka ngayon ng mga anghel sa langit. Hindi ka maaano kahit na magsilabasan pa ang mga lantad at lihim mong kaaway. At dahil binabantayan ka ng iyong “anghel dela guwardiya” anumang kailangang-kailangan mo ang hilingin mo ay tiyak na magkakatotoo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 8, 13, 22, 34, 40, 45.

Admin Ria Samonte - Jay CosturaSa nais mag pa SCHEDULE ng reading kay ms jay costura mag message lamang sa akin,press SE...
03/08/2026

Admin Ria Samonte - Jay Costura
Sa nais mag pa SCHEDULE ng reading kay ms jay costura mag message lamang sa akin,
press SEND MESSAGE NOW
==========================================

Online Horoscope Agosto 4, 2026

ARIES (Marso 21 – April 19) Ikaw ang napili ng langit upang maging sangang daluyan ng mga biyayang ihuhulog niya patungo sa mas maraming mga nangangailangan. Dahil ikaw ang sanga o daluyan ng mga biyaya, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang mapapasaiyo. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

TA**US – (April 20 – Mayo 20) Ito ang araw na bukas ang pinto ng langit. Kaya maaari kang humiling sa langit ng mga bagay na magbibigay sa iyo ng kagalakan. At ang isa pang mabuting balita, puwede kang humiling upang masolusyunan ang suliranin ng isa sa mga mahal mo sa buhay. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 7, 19, 25, 26, 35, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi ka dapat magrunung-runungan sa panahong ito sa halip, humingi ka ng payo sa mga may alam. Dahil hindi puwedeng ituloy mo ang iyong balak ng hindi pa hustong-husto ang iyong kaalaman. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6, 15, 19, 24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wala kang dapat na panigan. Kahit na kaninong panig ka pumanig, lagi ng sa iyo mapupunta ang p**a at sisi. Ang pinakamabuti mong gawin ngayon ay mag-shopping dahil sa pagmo-malling mas magiging masaya ka pa. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 17, 27, 34, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Dumikit ka sa mga mauunlad ang buhay, walang pagsalang ikaw din ay uunlad. Dumikat ka sa mga sawing palad at sawi sa pag-ibig, ganon din tadhana ang iyong sasadlakan. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kung ano ka, yon ang dapat mong ipakita. Ganon din ang gagawin ng kapalaran, kung ano ang para sa iyo, iyon ang ipagkakaloob sa iyo. Habang nagpapakatotoo ka, maraming suwerte at mga pagpapala ang ibibigay sa iyo ng langit. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 3, 12, 24, 33, 37, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Ito ang araw upang magsuot ng bago at paborito mong damit. Alin man sa dalawa ang isuot mo, bago o paborito mong damit, ang suwerte at magagandang kapalaran ay sadya namang mahihigop mo. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 34, 43, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Tulad din ng papel na tinatangay-tangay ng hangin. Magiging magaang ang pakiramdam mo, sa sandaling pinabayaan mo ng lumayo ang mga taong imbis na magpapaligaya sa iyo ay nagbibigay pa ng sama ng loob. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) May magbabalik. Tulad ng mga taong umalis ay muling darating. Ngunit ang pinakamahalagang magbabalik, ay ang mga dati ng magagandang kapalaran na dapat sana ay noon pa napasaiyo. Tanggapin mo silang muli ng may ngiti at pasasalamat sa iyong mga labi. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi lang ang mga masisipag ang dinadatnan ng suwerte, kundi ganon din ang mga makukulit. Kulitin mo ng kulitin ang langit. Hindi ka nya kayang tanggihan. Ipagkakaloob niya sa ‘yo, kahit ano pa ang iyong hilingi dahil makulit ka kasi. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 31, 32, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Nagpasya na ang langit. Ang mga mayayabang at hambog ay mapapahiya. Ang mga nagpapakumbaba ay itataas. Ngunit ang mga katulad mong mapagparaya at mapagbigay ang dadatnan ng maraming suwerte at mga pagpapala. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 37, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa araw na ito makakapulot ka ng suwerte at magandang kapalaran. Kaya kailangang lagi kang nakayuko pag naglalakad o luminga-linga ka sa iyong paligid. Sa sandaling nakapulot ka na ng suwerte, dahil hindi mo naman ito pinaghirapan, pahalagahan mo ito at ingatan. Habang nagpapatuloy ang tag-ulan at ang hindi maintindihang panahon, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang mahuhulog sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

Sa nais mag pa SCHEDULE ng reading kay ms jay costura mag message lamang sa akin,press SEND MESSAGE NOW=================...
02/08/2026

Sa nais mag pa SCHEDULE ng reading kay ms jay costura mag message lamang sa akin,
press SEND MESSAGE NOW
==========================================

Online Horoscope Agosto 3, 2026

ARIES (Marso 21 – April 19) Ito ang pinapagawa sa iyo ng mga bituin, sa harap ng salamin ay araw-araw ibulong mo na gumaganda ang kapalaran at gumaganda nga. Kung ano ang ilagay mo sa isip mo, yan mismo ang mangyayari sa ‘yo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

TA**US – (April 20 – Mayo 20) Huwag kang patalo sa kalungkutan dahil kapag masaya ka ang mga magagandang kapalaran ay kusang maglalapitan sa iyo. Mamasyal ka o kaya’y kumain ng kumain ng paborito mong pagkain, at puwede ring makipagkuwentuhan sa mga kaibigan mong mahilig sa tsikahan. Kapag ganyan ka, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi mo ba napapansin na walang direksyon ang mga kilos mo? Oo sasaya ka pero sa huli maiisip na hindi sapat ang iyong mga naranasan para sa hinahanap mong ligaya at pag-unlad ng kabuhayan. Kaya ang dapat lagyan mo ng layunin at direksyon ang anumang gagawin mo sa buhay, sa ganyang paraan ka liligaya at tuloy-tuloy na yayaman. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 3, 12, 24, 33, 37, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Maaga kang bumangon at bumili ng iyong pampasuwerte at dapat ay ngayon na dahil ang araw na ito ay sadyang at lubhang mapalad para sa iyo para sa mga bagay na may kaugnayan sa mga pagpasuwerte at pang higop ng magagandang kapalaran. Ito ay ang mga bagay na hugi pabilog at kumikinang. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Huwag mong hayaan na maghari muli sa ‘yo ang mga hindi magagandang katangian mo tulad ng galit at pagkainis, dahil sa ngayon ay naglalakbay ka sa landas ng buhay mo papunta sa ganap na pag-asenso at tuluyang pagyaman. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Patuloy kang tatanggap sa langit ng magagandang kapalaran hindi dahil ginusto mo, kundi dahil sa kasalukuyan ay likas kang suwerte at patuloy ka pang inaangat ng kapalaran sa matataas na bagay na inaambisyo at pinapangarap mo, kung saan, ang lahat ng ito ay suwabeng-suwabeng mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 37, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Gumaganda ang personalidad at kapalaran ng mga taong in love. Tulad mo, mababago na ngayon ang mga kilos mo at pananalita dahil ang pag-ibig ay maghahari sa ‘yo mismo. At habang naghahari ang pag-ibig mas maraming buenas at suwerte ang isa-isa ng magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 31, 32, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi biglaan ang pagbabago kaya wag kang masyadong mainip. Dahil kumukuha pa ng malakas na buelo ang langit upang bigyan ka ng isang napakagandang kapalaran. Matapos ang malakas na buelo, ang lahat ng suwerte at buenas ay isa-isa nang mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 17, 27, 34, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Marami ang nagtatangkang pumasok sa negosyo at sila ay napabilang sa mga bumagsak ang kabuhayan. Hindi mangyayari sa ‘yo ang pagkalugi dahil mula pa lang ng ikaw ay isinilang ang iyong pangalan ay nakalista na sa mga mga taong yayaman sa pagneneosyo. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 34, 43, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Lahat ay napapagaling ng panahon. Ang lungkot mo ay pagagalingin din ng panahon. Umasa ka dahil darating ang sandali na malilimutan mo ang iyong masakit na kabiguan. At sa sandaling gumaling na ang iyong kalungkutan, isa-isa ng magdaratingan ang suwerte at magagandang kapalaran at ito ay magaganap at magsisimula na ngayon. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kapag nanalig ka sa lakas ng loob at tiwala sa iyong sarili, kahit anong mga pagsubok ay tiyak na iyong malalagpasan. Kaya dapat lakasan mong lagi ang iyong loob at manalig ka sa iyong kakayahan. Hindi mo lang malalagpasan ang mga pagsubok, ang suwerte at magagandang kapalaran ay agad-agad ding magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Walang imposible sa taong determinado. Kaya dapat ay determinado ka. Higit kailaman ngayon mo ipakita na ikaw ay determinado na umunlad at yumaman. Kapag gayan ka, hindi lang pag-unlad at pagyaman ang ipagkakaloob sa iyo ng langit, bubusugin ka pa ng susuwertehin at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6, 15, 19, 24, 37, 45.

Sa nais mag pa SCHEDULE ng reading kay ms jay costura mag message lamang sa akin,press SEND MESSAGE NOW=================...
01/08/2026

Sa nais mag pa SCHEDULE ng reading kay ms jay costura mag message lamang sa akin,
press SEND MESSAGE NOW
==========================================

Online Horoscope Agosto 2, 2026

ARIES (Marso 21 – April 19) Nasa todong lakas ngayon ang iyong karisma. Puwede na nga rin masabing ikaw ngayon ay sobrang nakagagayuma. Dahil dito, magagayuma mo rin ang suwerte at magagandang kapalaran kaya ito ay isa-isa ng magsisilapitan sa ‘yo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

TA**US – (April 20 – Mayo 20) Kumuha ng buwelo! Ibig sabihin mamahinga ka muna at tumigil sa paglalakwatsa at limitahan ang iyong mga kilos at pagpapasya. Dahil magagandang kaganapan ang nakaumang sa ‘yo sa susunod na mga araw kung saan, mas malalaking mga suwerte at buenas ang darating kaya muli bumuwelo ka muna. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 17, 27, 34, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Mabilis ang mga pangyayari sa ngayon sa iyong harapan, kailangang sabayan mo sila, magmadali at bilisan mo rin ang mga pagkilos at aksyon. Dahil kapag mabagal ka ang ibang mga suwerte na para sa iyo na sana ay sa iba pa mapupunta. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 7, 19, 25, 26, 35, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag mong isara ang pintuan ng iyong puso. Isang naging bahagi ng iyong matamis na nakaraan ang nagbabalak na sa iyo ay muling makipag-ayos. Tanggapin mo siya ng buong puso at pagmamahal, tulad ng dati upang tuloy-tuloy ng dumating sa ‘yo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 34, 43, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kakaiba ang suwerteng sasaiyo ngayon dahil ang pangyayari sa biglang tingin ay minalas ka ay siya pala mismong magiging dahilan ng pagkakaroon mo ng mas malalaking buenas at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Mahiwaga ang mga pangyayaring lulukob sa iyong katauhan sa mga panahon ito. Hahanapin mo ang mga sandali na ikaw ay nalulungkot. Hindi mo ito makikita dahil ang saya at ligaya na iyong madarama ay sapat na para maalala ang lungkot, pero hindi mo madarama. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 3, 12, 24, 33, 37, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Mamamasyal sa ‘yo ang mga dati mong tauhan at mga nakasama kaya paghandaan mo rin sila ng magandang pakikitungo. Pakisamahan mo silang mabuti, dahil ang totoo maraming suwerte at magagandang kapalaran silang ipagkakaloob sa ‘yo. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Mataas ang iyong personalidad kaysa sa mga pangkaraniwan. Kaya anumang sandali na gustuhin mong umangat ang iyong kalagayan sa buhay o anumang sandali na nais mong paunlarin ang iyong career o kabuhayan ay walang pagaalinlangang matutupad. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Magiging huwaran ka ngayon ng mga nabigo sa buhay pero hindi nagsisisuko sa hamon ng kapalaran. Dahil sa ‘yo at dahil naging ganon ka rin naman dati, lalakas ang kanilang kalooban at ikaw ang magsisilbing inspirasyon nila upang patuloy na lumaban hanggang sa manaig at tuluyang magtagumpay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 31, 32, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Wag kang mag-alala kahit anupa ang nararanasan mong problema, mula sa araw na ito ang mga suwerete mo ay gaya ng mga naggagandahang dalaga na isa-isang lumalagay sa iyong harapan. Ibig sabihin hindi mapapatid ang dating ng iyong mga suwerte. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6, 15, 19, 24, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kakaiba ngayon ang dating mo sa mga malalapit sa iyo dahil ang dating mga negatibong kilos mo ay mapapalitan ng mga positibong pagpapasya. At dahil unti-unti ka ng nagiging positibo sa iyong mga ginagawa at iniisip, ang suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa na uling babalik at magsisilapitan sa ‘yo. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Muli mong mararanasan sa ngayon ang kasabihang mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap. Ito rin ang dahilan kung bakit patuloy na umuunlad ang iyong buhay, matulungin ka kasi at mapagbigay. Dahil sa ugali mong ito lalo ka pang bibigyan ng maraming suwerte at mga pagpapala ng langit. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 37, 45

Sa nais mag pa SCHEDULE ng reading kay ms jay costura mag message lamang sa akin,press SEND MESSAGE NOW=================...
31/07/2026

Sa nais mag pa SCHEDULE ng reading kay ms jay costura mag message lamang sa akin,
press SEND MESSAGE NOW
==========================================

Online Horoscope Agosto 1, 2026

ARIES (Marso 21 – April 19) Isang mahiwagang kislap ang darating sa iyong harapan. Ito ang kislap ng suwerte at katuparan ng iyong mga ambisyon at pangarap. Humiling ka ngayon sa langit at ito ay tiyak na matutupad. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero ang 7, 10, 18, 27, 34, at 45.

TA**US – (April 20 – Mayo 20) Hindi mo ba napapansin habang tanong ka ng tanong kung ano ang mabuti at kung ano ang hindi lalo kang hindi makakilos? Kaya ang payo ay kumilos ka ayon sa gusto mo dahil kung kikilos ka ng naaayon sa gusto mo na wala ng tinanaong kahit sino, tuloy-tuloy ka ng susuwertehin at magdaratingan ng walang kaawat-awat ang marami pang magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 7, 19, 25, 26, 35, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Huwag mong pansinin ang isang taong may galit sa mundo idamay ka lang niya at gusto ka lang niyang matulad sa kanya. Sa halip ang pinakatama at dapat dumikit ka sa mga taong may malinis na pagkatao dahil sila ang panggagalingan ng suwerte mo at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6, 15, 19, 24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag mong hanapin sa malayong lugar ang maganda mong kapalaran, sapagkat ibinabalita sa ‘yo ng araw na ito, na ikaw mismo ang lalapitan ng suwerte at magagaandang kapalaran, pero may kundisyon, ang kundisyon, wag kang magiisip ng negatibo. Puro magagandang bagay lang ang isipin mo, at makikita mo kusa ng lalapit at didikit sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na nasa todong lakas at mataas na antas ang level na ng iyong kakayahan na mas mapaunlad mo pang lalo ang iyong buhay. Kaya ito ang panahon upang itutok mo ng husto ang nasabing enerhiya sa mga bagay na lalo pang magpapaunlad ng iyong kabuhayan at magpapayaman sa ‘yo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 3, 12, 24, 33, 37, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi ka dapat mapabilang sa mga taong pabago-bago ng isip at nang mga pangarap. Tapusin mo muna ang isa at saka ka mag-isip ng iba pa. Kapag ganyan ka, tinatapos muna ang isa sa mga ambisyon at layunin mo sa buhay sa halip na kung saan-saan nagsusuot ang malikot na isipan susuwertehin ka na at magtatagumpay ka. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Bakit papansin mo ang mga naiingit sa iyo? Oo naiiinggit lang sila sa iyo. Kapag kinaiingitan ka, ibig sabihin, umaasenso ka at ang walang naiingit ay wala ring kabuhay-buhay dahil malamang na stagnant ang career nila at hindi umaasenso ang kanilang kabuhayan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Disiplina ang kailangan mo upang hindi ka mabigo sa napakaraming gawaing nilatag sa ‘yong harapan ng kapalaran. Tapusin muna ang mga aturgahin bago sumama sa mga gimmick at lakad, dahil mas masarap mamasyal at maglibang kung wala ka ng iniisip na gawaing dapat na tapusin at kailangan pang balikan. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Patuloy kang mangunguna sa lahat ng bagay at patuloy na aangat ang iyong kabuhayan kahit pa marami ang sa ‘yo ay naiinggit. Wala silang magagawa kundi ang sa ‘yo ay lihim na humanga, dahil sa tuos nila ikaw ay likas na suwerte at talaga namang lubos na pinagpapala. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 17, 27, 34, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Huwag mong akalain na nawawala ang mga suwerte mo, bagkus ang totoo kaya lang bumabagal ang galaw ng iyong sariling mundo ay dahil kumukuha muna ng malakas na buwelo ang iyong bueanas na sa malapit na hinaharap ay totodo na ng husto, kaya kumapit ka, dahil pagtodo ng husto ng iyong suwerte, mayayanig sa tuwa at tagumpay ang buo mong pagkatao. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang tamang araw upang mapagtimbang-timbang mo ang mga oportuunidad na nasa iyong harapan. Piliin mo ang gawaing makikinabang ka ng malaki at sasaya ka pa, dahil kapag masaya ka, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang tuloy-tuloy na darating sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Isang mahiwagang pangyayari ang mararanasan mo. Sa pagdapo sa iyong mukha ng malamig na hangin at patak ng ulan, sa araw na ito kasabay na papasok sa katawan mo ang hindi mabilang na mga suwerte at magagandang kapalaran na magpapasaya sa iyong buhay. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 34, 43, 45

Address

North Olympus Subdivision Novaliches, Philippines
Quezon City
1121

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Admin Ria Samonte - Jay Costura posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share