16/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฐ๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐๐ข๐๐ข๐ง๐๐ฌ
Nagsama-sama ang mga health worker, academe, at mga mag-aaral sa Generics Awareness Month Celebration noong Setyembre 15 sa University of Perpetual Help Dr. Jose G. Tamayo Medical University, Biรฑan, Laguna. Layunin ng pagtitipon na itaguyod ang wastong kaalaman at responsableng paggamit ng generic medicines.
Sa temang โKalusugan ng Bawat Pilipino, Generics ang Katuwang Moโ, tampok ang pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa bisa, kalidad, at pagiging abot-kaya ng generic medicines. Tinalakay din ang mahalagang papel ng mga health worker at mag-aaral sa pagsusulong ng adbokasiyang ito.
Bukod dito, itinampok ang social media bilang mabisang plataporma sa pagpapalaganap ng kaalaman sa pamamagitan ng infomercial contest na nilahukan ng mga estudyante mula sa kursong Pharmacy ng unibersidad.
Ang kaganapang ito ay patunay na ang generics ay katuwang ng bawat Pilipino sa pagkakaroon ng mas accessible at dekalidad na pangangalaga sa kalusugan.