09/10/2026
Akala mo acid lang, pero baka may ibang dahilan na pala ang sakit ng sikmura mo.
Ang pananakit o hapdi sa sikmura ay puwedeng may kinalaman sa acid reflux, indigestion, gastritis, ulcer, o iba pang kondisyon sa tiyan. Minsan pare-pareho ang dating ng sintomas—kaya hindi dapat laging hulaan o basta uminom ng gamot.
Magpatingin lalo na kung paulit-ulit ang sakit, may pagsusuka, hirap kumain, pumapayat nang hindi sinasadya, nawawalan ng gana kumain, o may dugo sa suka/dumi. Ito ang mga senyales na kailangang ma-check ng doktor.
Huwag basta i-label na “hyperacidity” agad. Mas ligtas kung alam ang tunay na dahilan bago gamutin.
Huwag manghula. Magpakonsulta.
Tandaan, Iba ang May Alam.
Sources:
NIDDK/NIH – Indigestion Symptoms & Causes
Mayo Clinic – Indigestion / Gastritis Symptoms
Cleveland Clinic – Dyspepsia / Gastritis