11/06/2026
Naranasan mo na bang mangati ang bahagi ng braso na tinurukan o magkaroon ng pantal habang nagpapa-Anti-Rabies Vaccine?
Huwag agad mag-alala. Ang pangangati, pamumula, at pagkakaroon ng rashes ay ilan sa mga posibleng side effects na maaaring maranasan ng ilang pasyente matapos mabakunahan.
Bakit ito nangyayari? 👇🏻
✅ Ang Anti-Rabies Vaccine ay nagpapalakas ng depensa ng katawan laban sa rabies. Habang tumutugon ang immune system, maaaring makaranas ng banayad na reaksyon tulad ng pangangati o pantal.
✅ May kanya-kanyang reaksyon ang bawat tao sa bakuna. Ang iba ay mas sensitibo kaya mas madaling magkaroon ng skin reactions.
✅ Maaari ring makaapekto ang allergy o iba pang kondisyon sa katawan kaya nagkakaroon ng pangangati o pamamantal.
📌 Tandaan: Ang pagkakaroon ng rashes o pangangati ay hindi nangangahulugang hindi na epektibo ang bakuna. Patuloy pa rin itong nagbibigay ng proteksyon laban sa rabies.
Kung nakakaranas ng matinding pantal, hirap sa paghinga, o iba pang hindi pangkaraniwang sintomas, agad na kumonsulta sa doktor.
❤️ Ang inyong kaligtasan ang aming prayoridad.