15/09/2026
Nagtapos ang selebrasyon ng ika-97 Anibersaryo ng UP Health Service (UPHS) sa ginanap na Awarding Ceremony noong 11 Setyembre 2026.
Dinaluhan ito ng mga kawani at retirado ng UP Health Service, kasama ang kanilang mga pamilya. Dumalo rin at nagbigay ng mensahe sina UP President Atty. Angelo Jimenez, UP Diliman Chancellor Atty. Edgardo Carlo Vistan II, at OVCCA Vice Chancellor Prop. Jerwin Agpaoa.
Pinarangalan sa seremonya ang mga retirado ng UP Health Service:
Herman Basco Jr. (39 taon)
Emma Lourdes Manahan (39 taon)
Dominador Paderes (38 taon)
Lina Castro (38 taon)
Rolando Balitian (29 taon)
Kinilala rin ang mga service awardees sa kanilang patuloy na paglilingkod:
40 Taon
Gemma Angeline Bolaños
Zenaida Cuachin
30 Taon
Dr. Grace Arquiza
25 Taon
Jerome Belison
20 Taon
Dr. Oliva Basuel
Maria Lynne Castro
Ricky Saludes
Elma Silleza
10 Taon
Dr. Ma. Regina Umali
Leoniel Pomada
Sa masayang pagdiriwang, ipinamalas ng Junior Parish Choir at ng mga section ng UP Health Service ang kanilang husay at talento, na higit na nagbigay-sigla sa selebrasyon.
Taos-pusong pasasalamat kay Gng. Melanie de la Rosa, Bb. Perlyn Guevarra, at sa buong Administrative Section bilang mga pangunahing tagapag-organisa ng selebrasyon; kina G. Minneli Mempin at G. Mark Christian Panelo bilang mga tagapagpadaloy ng programa; sa lahat ng mga section ng UP Health Service; sa aming mga sponsor; at sa lahat ng tumulong at sumuporta upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito.
Siyam na Dekada: Husay at Tatag, sa Ika-97 Taon ay Patuloy sa Paglalayag.