26/04/2026
Maraming salamat po sa lahat ng nakibahagi at dumalo sa aming Lay Forum tungkol sa Leptospirosis at Rabies noong Abril 22, 2026 para sa aming mga OPD patients!
Lubos po naming pinasasalamatan ang inyong presensya, pakikiisa, at hangaring matuto tungkol sa tamang pag-iwas, maagang pagkilala, at wastong pangangalaga sa mga sakit na ito. Ang kaalaman tungkol sa leptospirosis at rabies ay mahalagang sandata upang maprotektahan hindi lamang ang ating sarili kundi pati ang ating pamilya at komunidad.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat kay Dr. Mary Christine Petate sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman at paggabay sa ating lay forum.
Patuloy po sana tayong magkaisa sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungo sa mas ligtas at mas malusog na pamayanan.