11/08/2026
Karaniwang akala ng marami na mga agresibo o askal lamang ang maaaring magkaroon ng rabies. Ngunit ang totoo, anumang mammal na may rabies ay maaaring makahawa, kabilang ang mga pusa, paniki, at iba pang hayop.
⚠️ Kapag nagsimula na ang mga sintomas ng rabies tulad ng lagnat, pagkabalisa, hirap sa paglunok, takot sa tubig (hydrophobia), at pagkalito halos wala nang lunas at kadalasang nauuwi ito sa kamatayan.
Kaya naman seryosohin ang bawat kagat, kalmot, o pagkakadikit ng laway ng hayop sa sugat.
✅ Hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at umaagos na tubig.
✅ Magpatingin kaagad sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center o health facility.
✅ Kumpletuhin ang itinakdang anti-rabies vaccination.
✅ Siguraduhing bakunado at maayos na naaalagaan ang inyong mga alagang hayop.
Tandaan: Ang pag-iwas at maagap na aksyon ang pinakamabisang proteksyon laban sa rabies. Huwag hintaying lumabas ang sintomas bago kumilos magpagamot agad pagkatapos ng exposure.
TG Emergency Animal Bite Clinic Lagro
TG Emergency Animal Bite Clinic Bagong Silang