28/09/2026
🚨 "Normal lang ba 'to?" Isa ito sa pinakakaraniwang tanong ng mga buntis. Totoo na maraming pagbabago ang nangyayari sa katawan habang nagbubuntis, pero hindi lahat ng sintomas ay normal at ligtas.
May mga senyales na maaaring indikasyon ng seryosong kondisyon na nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Ang matinding pagdurugo, tuloy-tuloy na matinding pananakit ng tiyan, paglabas ng tubig bago ang due date, matinding sakit ng ulo na may paglabo ng paningin, mataas na lagnat, o biglaang pagbawas ng galaw ng baby ay ilan lamang sa mga pregnancy red flags na hindi dapat balewalain.
💗 Tandaan, mas mabuting magpakonsulta at makasiguro kaysa magsisi sa huli. Ang maagang pagpapatingin ay makatutulong na mapanatiling ligtas ang kalusugan ni mommy at ng kanyang baby.
Panoorin ang video at alamin ang mga karaniwang pregnancy red flags na dapat mong bantayan. I-save at i-share ito sa mga mommy at mommy-to-be para mas marami ang maging aware. 🤰✨
📍 Room 321, Marian Medical Arts Building, Dahlia St., Regalado Avenue, Fairview, Quezon City, Philippines
Within a 10-mile (16 km) radius from Fairview, Quezon City