28/09/2026
โDOC, MAY UBO AKO. KAILANGAN KO NA BA MAG-CHEST X-RAY?โ
Hindi po necessarily. ๐
I understand na kapag may ubo, minsan naiisip agad natin na baka kailangan ng X-ray. Pero hindi lahat ng ubo ay nangangailangan nito.
Ang ubo ay maaaring manggaling sa iba't ibang causes halimbawa, viral infection, acute bronchitis, asthma, allergy, o post-nasal drip.
Kaya bago mag-request ng Chest X-ray, tinitingnan muna ang overall symptoms, vital signs, medical history, at findings sa physical examination.
Kung may findings na maaaring mag-suggest ng pneumonia or another lung problem, doon maaaring maging appropriate ang Chest X-ray.
So remember: hindi porket may ubo e kailangan na agad ng X-ray. Case-to-case basis po talaga.
Kung persistent o lumalala ang ubo, may difficulty breathing, chest pain, mataas na lagnat, o iba pang concerning symptoms, magpa-check po para ma-assess nang maayos.