14/09/2026
🦟 𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐈𝐍𝐓𝐎𝐌𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐍𝐆𝐔𝐄!
Ngayong panahon ng dengue, mahalagang maging alerto at huwag balewalain ang mga sintomas tulad ng 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐠𝐧𝐚𝐭, 𝐦𝐚𝐭𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐡𝐢𝐡𝐢𝐧𝐚, 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐮-𝐤𝐚𝐬𝐮𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐦𝐧𝐚𝐧, 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐮𝐝𝐮𝐰𝐚𝐥 𝐨 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐮𝐬𝐮𝐤𝐚, 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐮𝐫𝐮𝐠𝐨 𝐧𝐠 𝐢𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐨 𝐠𝐢𝐥𝐚𝐠𝐢𝐝, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐥𝐚𝐭.
⚠️ Kapag nakaranas ng alinman sa mga sintomas na ito, agad magpakonsulta sa doktor para sa tamang pagsusuri at nararapat na pangangalaga.
Maging mapagmatyag. Panatilihing malinis ang kapaligiran at alisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok. Ang maagang pagkilala sa sintomas at pagpapatingin ay mahalaga upang maiwasan ang komplikasyon.
𝐈𝐰𝐚𝐬 𝐝𝐞𝐧𝐠𝐮𝐞, 𝐩𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚! 🦟