Nars Sa Baryo

Nars Sa Baryo Random health activities and related stuff ๏ฟฝ

and some extra curricular activities ๐Ÿ˜Š
(1)

20/07/2026

๐Ÿ“ข PABATID SA PUBLIKO

Magandang araw po, mga ka-Rizaleรฑo!

Ipinaaalam ng Municipal Health Office โ€“ Rural Health Unit (RHU) ng Dr. Jose P. Rizal na WALA MUNANG OPD / CHECK-UP sa RHU sa mga sumusunod na petsa dahil ang ating OPD Team ay magsasagawa ng Serbisyong Pangkalusugan sa mga barangay, kasama ang PhilHealth YAKAP Registration:

๐Ÿ—“๏ธ Hulyo 20, 2026 (Lunes) โ€“ Barangay Bunog
๐Ÿ—“๏ธ Hulyo 21, 2026 (Martes) โ€“ Barangay Iraan
๐Ÿ—“๏ธ Hulyo 22, 2026 (Miyerkules) โ€“ Barangay Ransang
๐Ÿ—“๏ธ Hulyo 23, 2026 (Huwebes) โ€“ Barangay Campung-Ulay

Layunin ng aktibidad na ito na mailapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan sa mga nasabing barangay.

โœ… Magbabalik ang regular na OPD / Check-Up sa RHU sa Biyernes, Hulyo 24, 2026.

Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at kooperasyon habang patuloy nating inilalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad.

Maraming salamat po at manatiling ligtas at malusog! ๐Ÿ’™๐Ÿ’š







13/07/2026

Inanyayahan namin po kayung makibahagi at makiisa sa mga serbisyong handog ng Local na Pamahalaan ng Rizal. Beri-Berian-Yakap Philhealth Registration sa pamamagitan ng Municipal Health Office...

Ang layunin ng Beri-Berian Yakap Philhealth Registration sa Barangay ay upang lahat ng mga Rizalenyo ay miyembro ng Philhealth.

Makakasama po natin ang Philhealth staff upang magsasagawa ng agarang pagapa enroll sa philhealth kaakibat ng kailangang dokumento tulad ng National ID. Kong walang ID maaring dalahin ang photocopy/xerox ng birth certificate upang agad maipasok as philhealth member at ibibigay agad ang PhilHealth ID.

Kasama din po ang kinatawan ng Municipal Social Welfare Development(DSWD) para sa certificate of indigency at magpadaloy ng libreng taonang kontribution sa PhilHealth bilang requirement ng membership.

Kasama din po ang Municipal Civil Registrar duon sa kailangang magpa rehistro pa at magpaayos ng spelling or anumang problema ng birth certificates.

Ang programang ito ay handog po sa inyu ng Lokal na Pamahalaan ng Dr. Jose P. Rizal na pinangunahan ng ating butihing Mayor Norman S. Ong.

Kita-kita po tayu sa inyong mga Barangay Gymnasium...

06/07/2026

Address

Rizal
5323

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nars Sa Baryo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share