19/08/2026
🩺 DOH HEALTH ADVISORY: INFLUENZA-LIKE ILLNESSES (ILI) 🦠
Mga Ka-URS, manatiling alerto at malusog! 💙
Narito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga mala-trangkasong sakit na may kasamang ubo at sipon:
✅ Ano ang ILI?
→ Sakit na may lagnat na hindi bababa sa 38°C at ubo o sipon na nagsisimula sa loob ng nakaraang 10 araw. Kasama rin ang pananakit ng katawan, ulo, lalamunan, at iba pa.
✅ Paano naipapasa?
→ Sa pamamagitan ng droplets mula sa ubo o bahing, at paghawak sa kontaminadong gamit, nakakahawa na sa unang 3–4 na araw kahit walang sintomas.
✅ Kung may sintomas:
→ Manatili sa bahay, magpahinga, uminom ng maraming tubig at gamot sa lagnat tulad ng paracetamol. Iwasan ang mga taong may mataas na panganib.
✅ Paano makakaiwas?
→ Kumpletuhin ang bakuna, maghugas ng kamay, mag-mask kung may sakit, takpan ang ubo o bahing, at panatilihing maaliwalas ang hangin.
⚠️ AGAD NA MAGPAKONSULTA kung lagnat ay umabot sa 40°C, nahihirapang huminga, o lumala ang pakiramdam!
📸 Poster courtesy of: Department of Health (DOH) Philippines