14/08/2026
Chess is NOT life! ππ₯°
Mga ka-chessy,
Ang larong Chess ay isa sa mga pinakamagandang naimbento na MIND SPORTS na kinahihiligan ng marami. Malaking tulong din ito upang mahasa ang ating isipan at magkaroon tayo ng mga magagandang desisyon sa buhay. Nagagamit din ito upang mailihis tayo sa mga masasamang gawain.
Ganunpaman, huwag nating kalimutan ang mas higit na dapat nating gawin sa ating buhay at yun yung mapangyari ang kalooban ng PANGINOON.
Chess is not life! -- tama po ito. Sapagkat ang tunay na buhay ay sa PANGINOON lamang. Mas higit na bigyan natin ng pansin ang LUMIKHA sa atin ng higit kaysa sa mga nalikha o naimbento lamang gaya ng Chess at ibang uri ng Sports.
Kaya naman, bigyan nating halaga na:
1) Kilalanin ang PANGINOON β
(we must know HIM through HIS Holy Word)
2) Kausapin ang PANGINOON β
(we must trust and talk to HIM)
3) Kalooban ng PANGINOON ay sundin β
(let HIS will be done in our lives
and share HIM to others)
Magandang paalala din na si JESUS CHRIST lamang ang tanging daan upang tayo na likas at namumuhay sa kasalanan ay mapanumbalik (RECONCILIATION & RESTORATION) sa DIYOS at magtamo ng buhay na walang hanggan sa LANGIT (ETERNAL LIFE IN HEAVEN). Habang may pagkakataon pa, tayo ay MAGSISI bilang makasalanan at tanggapin natin ng may PANANAMPALATAYA ang Panginoong Hesus bilang Tanging Tagapagligtas.
Kaya naman hindi lang dapat chess, dapat ay Chess w/ CHRIST. At kahit walang chess ay ok na ok lang. Sapagkat si JESUS CHRIST lang ay sapat na.
Texts from the HOLY SCRIPTURES β
John 14:5,6
"Thomas saith unto him, Lord, we know not whither thou goest; and how can we know the way? Jesus saith unto him, I am the way, the truth, and the life: no man cometh unto the Father, but by me."
Galatians 2:20
βI am crucified with Christ: nevertheless I live; yet not I, but Christ liveth in me: and the life which I now live in the flesh I live by the faith of the Son of God, who loved me, and gave himself for me.β
Philippians 1:21
βFor to me to live is Christ, and to die is gain.β
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Play chess, prioritize CHRIST" βοΈπ
.