RHU - Rizal Nueva Ecija

RHU - Rizal Nueva Ecija Official Page of Rural Health Unit, Rizal NE

𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ€π’ πŒπ€π‹π”π’πŽπ† 𝐍𝐀 π‘πˆπ™π€π‹π„Γ‘πŽ πŸ’™Mas dinagdagan ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga barangay sa pamamagitan ng pag...
31/08/2026

𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ€π’ πŒπ€π‹π”π’πŽπ† 𝐍𝐀 π‘πˆπ™π€π‹π„Γ‘πŽ πŸ’™

Mas dinagdagan ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga barangay sa pamamagitan ng paghasa ng kaalaman ng ating mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Health Workers (BHW).

Noong Agosto 26–28, 2026, isinagawa ang Refresher Training on Infant and Young Child Feeding (IYCF), DOH Program and Nutrition Updates for BNS and BHW sa Senior Hall, Rizal Government Center, katuwang ang Department of Health (DOH).

Layunin ng pagsasanay na madagdagan at mapalawak ang kaalaman ng ating BNS at BHW tungkol sa tamang pagpapakain, nutrisyon, at pangangalaga sa mga sanggol at batang paslit, upang mas maayos nilang magabayan ang bawat pamilyang rizaleΓ±o.

πŸ’™πŸŒŸ

DOH: MAGPAKONSULTA MUNA BAGO UMINOM NG DOXYCYCLINE KONTRA LEPTOSPIROSISDetalye sa comment section:
31/08/2026

DOH: MAGPAKONSULTA MUNA BAGO UMINOM NG DOXYCYCLINE KONTRA LEPTOSPIROSIS

Detalye sa comment section:




DOH: TANDAAN ANG MGA DAPAT GAWIN KONTRA LEPTOSPIROSISDetalye sa comment section.
31/08/2026

DOH: TANDAAN ANG MGA DAPAT GAWIN KONTRA LEPTOSPIROSIS

Detalye sa comment section.



πŒπ€π‘π€πŒπˆππ† π’π€π‹π€πŒπ€π“ 𝐒𝐀 πŒπ†π€ ππ€π˜π€ππˆ 𝐍𝐆 πŠπ€π‹π”π’π”π†π€π!Sa bawat sakripisyo, malasakit, at tapat na paglilingkod, kayo ay tunay na m...
31/08/2026

πŒπ€π‘π€πŒπˆππ† π’π€π‹π€πŒπ€π“ 𝐒𝐀 πŒπ†π€ ππ€π˜π€ππˆ 𝐍𝐆 πŠπ€π‹π”π’π”π†π€π!

Sa bawat sakripisyo, malasakit, at tapat na paglilingkod, kayo ay tunay na mga bayani ng ating bayan.

Saludo kami sa inyong dedikasyon sa pangangalaga ng kalusugan at buhay ng bawat Pilipino.

Maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod.

Pagbati mula sa:
PROVINCIAL DOH OFFICE - NUEVA ECIJA

23/08/2026
23/08/2026
Mas kumpletong gamit, mas handang umikot at magserbisyo sa bawat barangay. πŸ’™πŸ©ΊNagkaloob po ang Pamahalaang Bayan ng Rizal...
21/08/2026

Mas kumpletong gamit, mas handang umikot at magserbisyo sa bawat barangay. πŸ’™πŸ©Ί

Nagkaloob po ang Pamahalaang Bayan ng Rizal ng mga karagdagang health equipment at supplies para sa ating Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) na araw-araw nating katuwang sa pag-aasikaso sa ating mga kabarangay.

Kasama rito ang BP apparatus, stethoscope, pulse oximeter, thermometer, at iba pang health supplies na magagamit nila sa kanilang pag-iikot at basic health checking sa komunidad.

Kapag bumibisita sila sa ating mga pamilya, gusto nating kumpleto rin ang dala nilang gamit para mas maayos ang pag-check at mas mabilis ang referral kung kinakailangan. Gusto natin na kahit nasa barangay pa lang, may maaasahan nang unang alalay pagdating sa kalusugan.

Malaking tulong po ang ating mga BHW at BNS dahil sila ang isa sa mga unang lumalapit sa ating mga pamilya. Kaya sisiguraduhin nating may suporta at gamit din silang kailangan para mas maayos nilang maipagpatuloy ang kanilang serbisyo. 🩡

πŸ’«
πŸ’™πŸŒŸ

Agosto 20,2026Araw-araw, tuloy-tuloy ang MR SIA + Vitamin A Supplementation sa iba’t ibang barangay ng Bayan ng Rizal! πŸ’‰...
20/08/2026

Agosto 20,2026

Araw-araw, tuloy-tuloy ang MR SIA + Vitamin A Supplementation sa iba’t ibang barangay ng Bayan ng Rizal! πŸ’‰πŸ’—

Patuloy ang ating mga health worker sa paghahatid ng serbisyo upang bawat batang 6–59 buwan ay mabigyan ng proteksyon laban sa Measles at Rubella at ng Vitamin A supplementation. πŸ‘§πŸ§’

🌟 Walang batang maiiwanβ€”lahat ay dapat protektado!

πŸ“£ MR SIA + VITAMIN A SUPPLEMENTATION SA BAYAN NG RIZAL!Ngayong Agosto 19, 2026, patuloy ang paghahatid ng Measles-Rubell...
19/08/2026

πŸ“£ MR SIA + VITAMIN A SUPPLEMENTATION SA BAYAN NG RIZAL!

Ngayong Agosto 19, 2026, patuloy ang paghahatid ng Measles-Rubella (MR) vaccine at Vitamin A supplementation sa iba’t ibang barangay dito sa Bayan ng Rizal.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng supervisory visit at monitoring ang Provincial Health Office sa tatlong vaccination site, upang matiyak na maayos ang pagpapatupad ng programa at mapanatili ang kalidad, kaligtasan at bisa ng ating vaccination activities para sa ating mga chikiting. πŸ‘ΆπŸ§’

πŸ’‰ MR Vaccine + Vitamin A
πŸ‘§ Para sa mga batang 6–59 buwang gulang

Mahal na mga magulang, huwag palampasin ang pagkakataong maprotektahan ang inyong mga anak laban sa tigdas at rubella at masuportahan ang kanilang kalusugan at resistensya. πŸ’—

Bakuna at Vitamin A β€” proteksyon para sa mas malusog na kinabukasan ng ating mga chikiting! 🌟

β€œTigis ng dugong Alay, Lakas at Agapay.β€πŸ©ΈIsang taos pusong pasasalamat po sa ating mga blood donors na sa kabila ng hind...
19/08/2026

β€œTigis ng dugong Alay, Lakas at Agapay.β€πŸ©Έ

Isang taos pusong pasasalamat po sa ating mga blood donors na sa kabila ng hindi magandang panahon ay matyagang nagpunta, pumila at naghintay upang muli ay maisakatuparan ang ating layunin na makapagbigay ng dugo para sa mga kababayan nating nangangailangan at nawa’y wag tayong magsasawa at maging inspirasyon sa iba na makibahagi sa mga susunod pang blood donation activities.

Maraming salamat po Mayor Trina Andres, Vice Mayor Lito Andres at sangguniang bayan sa patuloy na pangunguna at pagsuporta sa programang ito.

Maraming salamat po sa ating partner, DOH Central Luzon Regional Blood Council na kahit hindi maganda ang panahon at nakakaranas kayo ng pagbaha ay hindi po kayo nag-atubili na pumunta, sumuporta at gawing matagumpay ang ating blood letting acitvity. Taos puso po ang pasasalamat namin sa inyo.

Maraming salamat po sa suporta mula sa RHU,MDRRMO, BHW, MO, RizaleΓ±o Hinirang Eagles Club at sa lahat ng ahensyang tumulong upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng ating pagkakaisa at malasakit sa kapwa na may Puso At Galing.

#145 successful donors

πŸ©΅πŸ’«

Address

Rizal
3127

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU - Rizal Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share