Dr Cris Nuesca OBGYN

Dr Cris Nuesca OBGYN Your trusted OB-GYN Partner for compassionate care, safe pregnancies, and women’s wellness.

Thank you sa tiwala ninyo. Daig ko pa ang nanalo sa lotto. Nakakataba ng puso malaman na ramdam ninyo ang alaga namin. 🥺...
07/08/2026

Thank you sa tiwala ninyo. Daig ko pa ang nanalo sa lotto. Nakakataba ng puso malaman na ramdam ninyo ang alaga namin. 🥺❤️

Magandang araw po! 🌸Sa mga nagtatanong po ng aking clinic schedule, ito na po… 😊 ‼️Hindi na po kailangan ng appointment....
03/08/2026

Magandang araw po! 🌸
Sa mga nagtatanong po ng aking clinic schedule, ito na po… 😊

‼️Hindi na po kailangan ng appointment.. Walk in lang po at first come, first serve basis pa rin 😊

Salamat po.

30/07/2026

Visit po tayo sa 𝐌𝐌𝐆 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞 on 𝗝𝘂𝗹𝘆 𝟯𝟭, 𝟭:𝟬𝟬 𝗣𝗠 para sa mga gustong magpakonsulta at para sa follow up ng aking mga patients.. Walk in lang po tayo at first come, first serve basis pa din. Thank you! 🌸

Not every birth story goes exactly as planned—and that’s okay. Ilang oras niyang buong tapang na hinarap ang labor. Naki...
18/07/2026

Not every birth story goes exactly as planned—and that’s okay.

Ilang oras niyang buong tapang na hinarap ang labor. Nakita ko ang kanyang tiyaga, narinig ang bawat buntong-hininga, at nasaksihan ang pagmamahal ng isang inang handang gawin ang lahat.

Ngunit dumating ang sandaling ang pinakaligtas na paraan para sa kanilang dalawa ay ang cesarean section.

Hindi ito nangangahulugang nabigo siya. Sa katunayan, mas lalo niyang ipinakita ang tunay na tapang ng isang ina—ang piliin ang kaligtasan ng kanyang anak higit sa lahat.

At nang marinig namin ang unang iyak ng kanyang baby, napawi ang lahat ng pagod at kaba. Isa na namang paalala na ang tagumpay ng panganganak ay hindi nasusukat kung normal man o cesarean. Ang tunay na tagumpay ay ang pag-uwi ng isang ligtas na ina kasama ang kanyang malusog na sanggol.

Maraming salamat, Mommy, sa iyong tiwala. Ang iyong kuwento ay isang paalala na ang bawat paraan ng panganganak ay maganda, basta’t nauuwi ito sa isang ligtas na yakap ng ina at ng kanyang munting himala. ❤️

(photo posted with permission)

Magandang araw po! 😊May bago po tayong susunding proseso sa pagpapacheck up ngayong darating na Biyernes.1. Kung magpapa...
15/07/2026

Magandang araw po! 😊
May bago po tayong susunding proseso sa pagpapacheck up ngayong darating na Biyernes.

1. Kung magpapacheck up po, pwede na pong pumunta deretso sa clinic. FIRST COME, FIRST SERVE BASIS po ang atin munang susundin.. Hindi na po muna tayo tatanggap ng schedule or appointments sa pamamagitan ng tawag or text.
2. Pagdating sa clinic, i-approach po ang ating secretary upang makunan ng vital signs.
3. Pagkatapos po ng vital signs, gagawan po kayo ng chart at ipipila po para sa konsultasyon.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. 😊

Magandang araw po! Ito po ang aking schedule sa Sablayan ngayong July. 😊🤰🏻❤️
07/07/2026

Magandang araw po! Ito po ang aking schedule sa Sablayan ngayong July. 😊🤰🏻❤️

May pasyente na namang masaya at hindi na duduguin. Salamat sa iyo Ma’am dahil inuna mo ang kalusugan mo; dahil inisip m...
05/07/2026

May pasyente na namang masaya at hindi na duduguin. Salamat sa iyo Ma’am dahil inuna mo ang kalusugan mo; dahil inisip mong ikaw naman muna bago ang iba; dahil tinapos mo ang ilang taong pagtitiis; at dahil makakauwi ka sa pamilya mo as a healthy wife and a strong mother. ❤️

Address

Multipoint Clinic
Sablayan

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm
Saturday 8am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr Cris Nuesca OBGYN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share