NHA-Pampanga/Bataan/Zambales District

NHA-Pampanga/Bataan/Zambales District Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from NHA-Pampanga/Bataan/Zambales District, Maagap Street cor. Malikhain St. , Diosdado Macapagal Government Center, Brgy. Maimpis, San Fernando.

PABATID SA PUBLIKOAlinsunod sa Memorandum Circular Blg. 131, s. 2026, ipinababatid na ang National Housing Authority (NH...
20/08/2026

PABATID SA PUBLIKO

Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 131, s. 2026, ipinababatid na ang National Housing Authority (NHA) – Tanggapan ng Distrito ng Pampanga/Bataan/Zambales ay magpapatupad ng Work-from-Home (WFH) Arrangement ngayong araw, Agosto 20, 2026, bunsod ng patuloy na masamang lagay ng panahon dulot ng Habagat.

Kaugnay nito, ang Agosto 21, 2026 (Biyernes) ay idineklarang Special Non-Working Holiday bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day. Ang regular na operasyon ng tanggapan ay magpapatuloy sa Lunes, Agosto 24, 2026.

Samantala, bilang tugon at pakikiisa sa mga pamilyang naapektuhan ng masamang panahon, ipatutupad ng National Housing Authority ang moratorium sa pagbabayad ng amortisasyon para sa buwan ng Agosto 2026 para sa lahat ng residential account holders sa mga lalawigan ng Pampanga, Bataan, at Zambales.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pakikiisa at pang-unawa.

Manatiling ligtas ang lahat.







PABATID SA PUBLIKOAlinsunod sa Memorandum Circular Blg. 139, ipatutupad ng National Housing Authority (NHA) – Tanggapan ...
18/08/2026

PABATID SA PUBLIKO

Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 139, ipatutupad ng National Housing Authority (NHA) – Tanggapan ng Distrito ng Pampanga/Bataan/Zambales ang Work-from-Home (WFH) Arrangement ngayong araw, Agosto 19, 2026, dahil sa patuloy na sama ng panahon dulot ng Habagat.

Gayunpaman, ang lahat ng transaksyon at serbisyo ng tanggapan ay maaari pa ring ipagpatuloy sa pamamagitan ng online na komunikasyon at iba pang naaangkop na pamamaraan.

Samantala, ipatutupad din ng National Housing Authority (NHA) ang moratorium sa pagbabayad ng amortisasyon para sa buwan ng Agosto 2026 para sa lahat ng residential account holders sa Pampanga, Bataan, at Zambales.

Hinihikayat ang lahat na manatiling ligtas, maingat, at mapagmatyag. Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo at abiso ng mga kinauukulang ahensya.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Manatiling ligtas ang lahat.







https://www.facebook.com/share/p/1Etz3cw8tn/
18/08/2026

https://www.facebook.com/share/p/1Etz3cw8tn/

ππ€ππ€π“πˆπƒ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Ang National Housing Authority (NHA) ay magpapatupad ng moratorium sa pagbabayad ng amortisasyon ngayong buwan ng Agosto para sa lahat ng residential account holders sa mga sumusunod na lugar:

πŸ“National Capital Region (NCR)
πŸ“Ilocos Sur | La Union | Pangasinan | Abra | Benguet
πŸ“Zambales | Bataan | Tarlac | Pampanga | Bulacan
πŸ“Rizal | Cavite | Batangas
πŸ“Occidental Mindoro | Oriental Mindoro

Sa panahong ito, pansamantalang suspendido ang pagbabayad ng amortisasyon at walang karagdagang interes o penalty na ipapataw.

Layunin ng moratorium na mabigyan ng kaunting ginhawa at pagkakataong makabangon ang mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at ng Habagat.

Muling ipagpapatuloy ang regular na pagbabayad at paniningil ng amortisasyon simula Setyembre 1, 2026.

https://www.facebook.com/share/p/1FVbiy892w/
18/08/2026

https://www.facebook.com/share/p/1FVbiy892w/

ππ€ππ€π“πˆπƒ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 128 magpapatupad ng work from home arrangement sa mga tanggapan ng National Housing Authority ( ) bukas Agosto 18, 2026 dahil sa patuloy na sama ng panahon dulot ng Habagat.

Sasaklawin nito ang mga sumusunod na lugar:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Benguet
πŸ“ Zambales
πŸ“ Bataan
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Cavite
πŸ“ Batangas
πŸ“ Rizal
πŸ“ Laguna
πŸ“ Occidental Mindoro

Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag sa mga opisyal na anunsyo at unahin ang kaligtasan sa lahat ng pagkakataon.

Manatiling ligtas ang lahat.







PABATID SA PUBLIKOAng National Housing Authority (NHA) – Tanggapan ng Distrito ng Pampanga/Bataan/Zambales ay patuloy na...
17/07/2026

PABATID SA PUBLIKO

Ang National Housing Authority (NHA) – Tanggapan ng Distrito ng Pampanga/Bataan/Zambales ay patuloy na nagpapatupad ng four-day compressed workweek alinsunod sa direktiba ng pamahalaan para sa pagtitipid ng enerhiya.

Mangyaring sundin ang aming iskedyul ng operasyon:

LUNES - HUWEBES 7:00am - 6:00pm

Samantala, tuwing BIYERNES ay sarado ang aming tanggapan. Gayunpaman, ang lahat ng transaksyon at serbisyo ay maaari pa ring ipagpatuloy sa pamamagitan ng online na komunikasyon at iba pang naaangkop na pamamaraan.

Maaari rin ninyong bayaran ang inyong buwanang amortisasyon sa pamamagitan ng online payment gamit ang Land Bank of the Philippines (LBP) Link.BizPortal at iba pang mga awtorisadong online payment partners.

Maraming salamat po.

22/06/2026
12/06/2026

Sa ika-128 na pagdiriwang ng ating kasarinlan, ating alalahanin at pasalamatan ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan.

Nawa'y patuloy nating isabuhay ang pagiging malaya nang may pananagutan at pagmamahal sa ating bansa.

Isang Maligayang Araw ng Kalayaan mula sa National Housing Authority ( )!







20/05/2026
12/05/2026
11/05/2026

Kaisa ang National Housing Authority (NHA) sa pagdiriwang ng Cervical Cancer Consciousness Month ngayong Mayo.

Naniniwala ang NHA na ang kalusugan ay pundasyon ng isang matatag na tahanan, kaya naman suportado ng ahensya ang mga hakbang upang maiwasan ang sakit na ito para sa mas malusog na kinabukasan ng bawat kababaihang Pilipino.






Address

Maagap Street Cor. Malikhain St. , Diosdado Macapagal Government Center, Brgy. Maimpis
San Fernando
2000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NHA-Pampanga/Bataan/Zambales District posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to NHA-Pampanga/Bataan/Zambales District:

Shortcuts

Share