27/07/2026
"Life Testimony ni C.A"
March 04,2024 ng ako ay lumabas sa CSTRC kung saan tumira ako ng 13 months. Sa aking pag labas takot at saya ang aking nararamdaman.Masaya, dahil makakasama ko na ang aking mga anak at aking asawa at ang aking mga kapatid.Kaba, dahil alam ko na malaking pag subok na naman ang aking haharapin sa aking pag labas.Dahil alam kong maraming pwedeng barkada na makaka impluwensiya sa akin, pero hindi ako mag papaimpluwensiya sa kanila. Alam ko na sa isang pag kakamali ko ay pwede ako bumalik sa dati kong bisyo.Kaya nag papasalamat ako sa Diyos na binigyan nya ako ng linaw ng isip. Nang ako ay mag simula ng mag report sa Aftercare Program, sa phase 1 ako ay nag report ng halos isang taon dahil nahihirapan ako kasi sa isang linggo dalawang beses ang aking pag rereport, dahil sa kakulangan sa financial dahil sa wala pa akong trabaho noon.Sa pag lipat ko naman ng phase 2 medyo maayos naman ang aking pag report kasi halos na perfect ko naman ang pag report.Pag dating naman ng phase 3, medyo nahirapan naman ako kasi mahigpit ang amo ko.Nahihirapan ako mag paalam at medyo malayo. Sa awa naman ng Diyos natapos ko naman ang phase 3.Pagdating ko naman ng phase 4 ay medyo maayos na. Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng mga staff ng CSTRC especially sa Aftercare Program Staff. Lalong lalo na sa Diyos at nagpapasalamat ako sa aking asawa na walang sawang sumuporta habang ako ay nag rerecober, at hindi ako sinukuan mula noon hanggang ngayon. Dahil sa kanila naging maayos ang aking pag rerecober. Napatunayan ko na sa aking sarili na hindi na ako sumubok tumikim ng droga, alak, at sigarilyo. Naging mabuting ama ako sa aking mga anak at unti-unti na rin bumalik ang dati kong pag uugali na masayahin, at may respeto sa kapwa.