25/06/2026
π¦πππ’π‘π π€π¨ππ₯π§ππ₯ ππ’π¨π‘πππ π πππ§ππ‘π | June 25, 2026
Isinagawa ngayong araw, Hunyo 25, 2026 ganap na alas-1:00 ng hapon, ang Second Quarter Council Meeting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng San Francisco, Quezon, sa pangunguna ng ating butihing Mayor Litoy Alega, katuwang ang mga kawani at miyembro ng MDRRMC.
Layunin ng pulong na talakayin ang mahahalagang usapin, programa, at paghahanda ng ating bayan sa larangan ng disaster risk reduction and management, upang higit pang mapalakas ang koordinasyon, kahandaan, at mabilis na pagtugon sa anumang sakuna o emergency.
Patuloy ang sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at ng MDRRMC para sa isang ligtas, handa, at matatag na San Francisco, Quezon.