01/06/2026
π©Έ "ONE DROP OF HUMANITY, GIVE BLOOD. SAVE LIVES." π©Έ
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga blood donors na naglaan ng kanilang oras, lakas, at malasakit upang makatulong sa kapwa. Ang inyong boluntaryong pag-aalay ng dugo ay isang napakahalagang ambag na nagbibigay-buhay at pag-asa sa mga pasyenteng nangangailangan.
Dahil sa inyong kabutihang-loob, maraming buhay ang nabibigyan ng panibagong pagkakataon. Kayo po ay nagsisilbing inspirasyon at tunay na halimbawa ng pagkakaisa, bayanihan, at malasakit sa ating komunidad.
Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day, 13th National Blood Summit, at National Blood Donorsβ Month, na may temang βONE DROP OF HUMANITY, GIVE BLOOD. SAVE LIVES.β, muli po namin kayong inaanyayahan na maging bahagi ng makabuluhang adhikaing ito.
π
Hunyo 15, 2026
β° 8:00 AM β 12:00 NN
Muli, sama-sama nating ipagkaloob ang regalong buhay sa pamamagitan ng pagdo-donate ng dugo. Ang isang patak ng inyong kabutihan ay maaaring maging dahilan ng panibagong pag-asa, ngiti, at buhay para sa iba.
β€οΈ Maging bayani. Magbigay ng dugo. Magligtas ng buhay.