25/08/2026
๐ PANGANGALAGA SA ISIP AY KATUMBAS NG PANGANGALAGA SA IYONG KATAWAN. ๐ง โค๏ธ
Magkaugnay ang ating kalusugang pangkaisipan at pisikal na kalusugan. Kapag tayo ay nakararanas ng matinding stress, pag-aalala, o hindi sapat na pahinga, maaari rin itong makaapekto sa ating katawan. Gayundin, ang pagkakaroon ng karamdaman o pisikal na problema ay maaaring makaapekto sa ating emosyon at kalagayan ng isip.
Kaya naman, huwag kalimutang alagaan ang isip, katawan, at buong pagkatao. ๐ฟ
โจ Huminga at magpahinga.
โจ Kumain nang masustansya.
โจ Manatiling aktibo.
โจ Makipag-usap sa mga taong pinagkakatiwalaan.
โจ At higit sa lahat, huwag matakot humingi ng tulong kapag kinakailangan.
Alagaan ang isip. Alagaan ang katawan. Alagaan ang buhay. ๐
Ang SMDH Mental Health Clinic ay nandito upang makinig, umunawa, at tumulong. Para sa iyong mental at physical well-being. ๐ค
Libre ang konsulta at gamot hanggaโt may available na supply.
๐ SMDH โ San Marcelino District Hospital
๐ Facebook: smdhmentalhealthunit
Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay.