28/10/2026
PUROK KALUSUGAN SA BARANGAY PALUTAN: KALUSUGAN MO, ALAGA NAMIN!
Matagumpay na naisagawa ang Purok Kalusugan sa Barangay Palutan, kung saan sama-samang inilapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa komunidad upang mas mapangalagaan ang kalusugan ng bawat pamilya.
📋 Mga serbisyong naihatid:
* 🩺 64 na konsultasyong medikal
* 💉 42 na Basic Screening and Monitoring Program (BSMP)
* 🩸 PhilPEN screening para sa mga nasa edad 20–59 at 60 pataas
* 🦷 84 na oral prophylaxis at fluoride application
* 📑 30 PhilHealth profiling
🎯 Layunin ng Purok Kalusugan na mapalapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa bawat barangay, maagang matukoy ang mga posibleng sakit, at mahikayat ang bawat mamamayan na maging aktibo sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.
Sa pamamagitan ng regular na health screening, konsultasyon, dental services, at PhilHealth profiling, mas napapalawak ang access ng komunidad sa mga serbisyong pangkalusugan at mas napapalakas ang kamalayan sa kahalagahan ng preventive healthcare.
Tandaan: Ang kalusugan ay kayamanan! Huwag hintaying magkasakit bago magpatingin. Magpa-check up, alagaan ang ngipin, at gawing bahagi ng ating buhay ang regular na health screening.
Sama-sama para sa mas malusog na Barangay Palutan at mas malusog na San Mariano!