Municipal Health Office - San Miguel, Bulacan

Municipal Health Office - San Miguel, Bulacan OFFICIAL PAGE
Municipal Health Office of San Miguel, Bulacan
Public Health Services

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | PABATID SA PUBLIKOSa pagtaas ng kaso ng dengue sa ilang barangay sa ating komunidad, ang ating...
04/08/2026

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | PABATID SA PUBLIKO

Sa pagtaas ng kaso ng dengue sa ilang barangay sa ating komunidad, ang ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating The Working Mayor, Hon. John A. Alvarez, katuwang ang Municipal Health Office sa pamumuno ng ating Municipal Health Officer, Dr. Hamir Chin-Hechanova, ay muling nagpapaalala sa lahat na maging mapagmatyag at aktibong makiisa sa mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng dengue.

Hinihikayat ang bawat isa na panatilihing malinis ang kapaligiran at isabuhay ang 5S Kontra Dengue:

✅ Search and Destroy
✅ Self Protect
✅ Seek Consultation
✅ Support Fogging
✅ Sustain Hydration

Prevention is always better than cure. Sa sama-samang pagkilos, makatutulong tayong maprotektahan ang ating mga pamilya at mapigilan ang pagkalat ng dengue.


MUNICIPAL HEALTH OFFICE | PARANGAL AT PAGKILALAIsang malaking karangalan para sa Municipal Health Office sa pangunguna n...
28/07/2026

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | PARANGAL AT PAGKILALA

Isang malaking karangalan para sa Municipal Health Office sa pangunguna ng ating Municipal Health Officer, Dr. Hamir Chin-Hechanova kasama ang lahat ng kawani ng aming departamento na tanggapin ang mga sertipiko ng pagkilala para sa ating Field Health Services Information System (FHSIS) at Municipal Epidemiology and Surveillance Unit (MESU). Ang mga parangal na ito ay pagkilala sa ating pagsunod sa mga pambansang pamantayan, matibay na pangako sa pagpapalakas ng disease surveillance at pagtugon sa mga usaping pangkalusugan ng publiko, gayundin sa ating patuloy na dedikasyon sa pagtitiyak ng tumpak, kumpleto, at napapanahong pamamahala at pag-uulat ng impormasyong pangkalusugan.

Ang mga pagkilalang ito ay sumasalamin sa dedikasyon, propesyonalismo, at sama-samang pagsisikap ng bawat kawani ng Pambayang Tanggapan ng Kalusugan. Bunga ito ng ating walang humpay na pagtutulungan upang makapaghatid ng de-kalidad, episyente, at maaasahang serbisyong pangkalusugan, gayundin ng ating patuloy na pagpapatibay sa sistema ng pagsubaybay at pagtugon sa mga sakit para sa kapakanan ng bawat San Migueleño.

Lubos din naming ipinahahayag ang aming taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng San Miguel, sa pangunguna ng ating The Working Mayor B**g Alvarez, sa kanyang walang sawang suporta, patuloy na pagtitiwala, at matatag na pamumuno sa pagsusulong ng mga programa at serbisyong pangkalusugan. Ang kanyang malasakit at dedikasyon ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pa naming pagbutihin ang aming paglilingkod sa bawat mamamayan.

Ang pagkilalang ito po ay hindi lamang tagumpay ng Municipal Health Office, kundi tagumpay ng buong Pamahalaang Bayan ng San Miguel at ng bawat San Migueleño. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang higit pa naming pag-ibayuhin ang aming pagsisikap at ipagpatuloy ang paghahatid ng mahusay, maagap, at makataong serbisyong pangkalusugan tungo sa isang mas ligtas, mas malusog, at mas matatag na San Miguel.



𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄 | 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐂𝐇𝐄𝐒𝐓 𝐗-𝐑𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐌𝐈𝐆𝐔𝐄𝐋𝐓𝐀𝐑𝐀’𝐓 𝐌𝐀𝐆𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈𝐇𝐀𝐍, 𝐓.𝐁. 𝐀𝐘 𝐓𝐔𝐋𝐃𝐔𝐊𝐀𝐍! 🫁Muling aarangkada ang...
27/07/2026

𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄 | 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐂𝐇𝐄𝐒𝐓 𝐗-𝐑𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐌𝐈𝐆𝐔𝐄𝐋

𝐓𝐀𝐑𝐀’𝐓 𝐌𝐀𝐆𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈𝐇𝐀𝐍, 𝐓.𝐁. 𝐀𝐘 𝐓𝐔𝐋𝐃𝐔𝐊𝐀𝐍! 🫁

Muling aarangkada ang Libreng Chest X-ray Program ng Municipal Health Office para sa ating mga kababayang San Migueleño.
Dalawang daang (200) indibidwal ang mabibigyan ng libreng serbisyo kaya tara na at makiisa!

Ang Pamahalaang Bayan ng San Miguel, sa pamumuno ng ating Punong Bayan, Igg. John A. Alvarez, katuwang ang ating Ikalawang Punong Bayan, Igg. Gerome DC. Reyes, at ang Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Hamir Chin-Hechanova, MHO, ay hinihikayat ang lahat ng mamamayan na makilahok sa programang ito upang masuri at maagapan ang mga sakit na maaaring makaapekto sa ating respiratory system.

Ang Chest X-ray ay isang mahalagang pagsusuri na makatutulong sa maagang pagtukoy ng mga karamdaman sa baga at iba pang bahagi ng dibdib tulad ng Tuberculosis (T.B.), kanser sa baga, at iba pang sakit sa paghinga.

📌 Tandaan: Ang iyong kalusugan ay mahalaga!
Huwag mag-atubiling magpasuri at kumonsulta sa mga propesyonal sa kalusugan upang mapanatili ang mabuting kalusugan at pangkalahatang kagalingan.
Kaugnay ng programang ito, prayoridad ang mga indibidwal na kabilang sa High-Risk Group tulad ng mga sumusunod:
Mga nakatatanda na may edad 60 taong gulang pataas (Senior Citizens);
Mga taong may kondisyong medikal tulad ng:
• Hypertension (High Blood Pressure)
• Diabetes (HPN/DM Club)
• Dating nagkaroon at naggamot ng sakit sa baga
• Mga may kasamang naggagamot para sa Tuberculosis sa bahay o trabaho
Mga naninigarilyo;
Mga may sintomas ng Tuberculosis tulad ng:
• Ubo na tumatagal ng dalawang linggo o higit pa
• Paglalagnat at pagpapawis tuwing hapon hanggang gabi
• Biglaang pagbaba ng timbang
Mga miyembro ng 4Ps;
Solo Parents;
Persons with Disabilities (PWDs).

Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat San Migueleño. Sa maagang pagsusuri at tamang kaalaman, mas maiiwasan at masusugpo natin ang Tuberculosis at iba pang sakit sa baga.

Magpatingin, magpasuri, at makiisa para sa mas malusog na komunidad! 🫁💙



MUNICIPAL HEALTH OFFICE | PABATID SA PUBLIKOSa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang bahagi ng ating bansa, an...
20/07/2026

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | PABATID SA PUBLIKO

Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang bahagi ng ating bansa, ang ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating The Working Mayor, Hon. John A. Alvarez, katuwang ang Municipal Health Office sa pamumuno ng ating Municipal Health Officer, Dr. Hamir Chin-Hechanova ay muling nagpapaalala sa lahat na manatiling kalmado, ngunit maging responsable, at patuloy na makiisa sa mga hakbang para sa pangangalaga ng kalusugan ng ating komunidad.

Hinihikayat ang bawat isa na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga simpleng pag-iingat upang mabawasan ang panganib ng pagkakaroon at pagkalat ng sakit. Ang pagiging alerto, maingat, at responsable sa ating mga kilos ay mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran para sa ating pamilya at buong pamayanan.

Manatiling maalam, maging handa, at makiisa sa pagpapanatili ng isang ligtas at malusog na San Miguel. Ang kalusugan ng bawat isa ay nagsisimula sa ating sama-samang pag-iingat.



MUNICIPAL HEALTH OFFICE | VOLUNTARY BLOOD DONATION PROGRAM 2026 🩸Blood Donation Drive, muling aarangkada! Kaya mga San M...
20/07/2026

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | VOLUNTARY BLOOD DONATION PROGRAM 2026 🩸

Blood Donation Drive, muling aarangkada! Kaya mga San Migueleño, ipakita natin ang ating malasakit at pakikiisa.
Sa pamumuno at patnubay ng ating butihing Punong Bayan, Hon. John A. Alvarez, kasama si Vice Mayor Gerome DC. Reyes, at ang Pambayang Tanggapan ng Kalusugan sa pangunguna ng ating MHO, Dr. Hamir Chin-Hechanova, ipinababatid po na magkakaroon tayo ng Blood Donation Drive sa July 23, 2026 (Huwebes) sa Ricardo Silverio Sr. Multi-Purpose Center, mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Layunin ng programang ito na patuloy na makatulong sa ating mga kapwa San Migueleño na nangangailangan o mangangailangan ng dugo. Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng maglalaan ng oras upang mag-donate, gayundin sa ating mga Barangay Captain, Konsehal on Health, at BHW na patuloy na sumusuporta sa mga programa at kampanya ng Municipal Health Office.

Maraming salamat din sa Bulacan Provincial Blood Center sa mabilis at maayos na koordinasyon upang maisakatuparan ang programang ito.

Anuman ang iyong blood type, mahalaga ang iyong dugo at tulong upang makapagligtas ng buhay. Kaya tara na — magkita-kita tayo at sama-sama nating buuin ang mas masiglang komunidad!



16/07/2026

Address

San Miguel
3011

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - San Miguel, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share