07/04/2026
Pananagutan. Panata. Paglilingkod. 🩺✨
Ang aming pananagutan ay magsisilbing liwanag sa likod ng mikroskopyo.
Ang aming panata ay katapatan sa bawat pagsusuri.
At ang aming paglilingkod ay alay para sa kalusugan ng bawat Pilipino.
Hindi lamang ito palamuti sa balikat, kundi bigat ng tungkulin na may kaakibat na malasakit. Ngayong suot na namin ang white coat at pin, baon namin ang pangakong maglingkod nang may integridad at husay.
Sa bawat tusok at bawat slide, laging tatandaan:
Ang pagiging MedTech ay hindi lamang trabaho—ito ay isang bokasyon.
Isang hakbang na lang… ganap na RMT na! 💉🔬
Pagbati sa bawat isa sa atin!✨
Padayon, future RMTs! Higit pa sa medalya at sertipiko, ang ating tunay na tagumpay ay nasa bawat buhay na ating mapaglilingkuran.✨🥼🩺