02/02/2026
Day 3 - Dwelling in His Presence
“He that dwelleth in the secret place of the most High shall abide under the shadow of the Almighty.” - Psalm 91:1 (KJV)
Marami sa atin kaya lang nakakaalala sa Diyos kapag may kailangan, may problema, o may desisyon. Pero iba ang paanyaya ng Salita ngayon, hindi lang bumisita, kundi manahan. Ang pananatili sa presensya ng Diyos ay hindi emergency response. Ito ay lifestyle. Hindi lang sandali, kundi araw-araw na paglalakad kasama Siya, kahit walang krisis, kahit kalmado ang mga sitwasyon.