17/09/2026
𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴: 𝗔𝗻𝘀𝘄𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁’𝘀 𝗖𝗮𝗹𝗹 𝘁𝗼 𝗘𝗻𝗴𝗮𝗴𝗲, 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲, 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁 🧡
Noong 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟲, naging bahagi po ang inyong lingkod, 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹 𝗘𝗰𝗵𝗼 𝗔𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀, bilang 𝗚𝘂𝗲𝘀𝘁 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 sa isinagawang 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 ng Immaculate Conception Catholic School – Santa Cruz, na may temang “𝗔𝗖𝗖𝗘𝗦𝗦: 𝗔𝗻𝘀𝘄𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁’𝘀 𝗖𝗮𝗹𝗹 𝘁𝗼 𝗘𝗻𝗴𝗮𝗴𝗲, 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲, 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁.”
Layunin ng makabuluhang pagtitipong ito na mahubog ang mga 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀 sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang kakayahan, pagpapahalaga, at pananagutan bilang mga kabataang lider na may malasakit sa kapwa at sa kanilang komunidad.
Sa pagkakataong ito, ibinahagi po ng inyong lingkod ang ilang 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝘀𝗮𝗻, 𝗸𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 bilang bahagi ng paghubog sa mga kabataang lider. Binigyang-diin ang kahalagahan ng 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗹𝗮𝗵𝗼𝗸, 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮, 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗽𝘄𝗮 bilang mahahalagang katangian ng isang mabuting lider.
Maraming salamat po sa 𝗜𝗺𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝘁𝗲 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗮𝘁𝗵𝗼𝗹𝗶𝗰 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 – 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗖𝗿𝘂𝘇, sa pamunuan, mga organizers, advisers, at sa lahat ng student leaders na naging bahagi ng makabuluhang aktibidad na ito.
Nawa’y patuloy nating gabayan at suportahan ang 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱, 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮𝘄 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮, 𝗮𝘁 𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗹𝗶𝗺𝗯𝗮𝘄𝗮 sa kanilang paaralan at komunidad. 🧡