Midwife Aleja-ABH

Midwife Aleja-ABH Caring for mothers and welcoming new life

Good to see you again Rica๐Ÿ’œ
10/06/2026

Good to see you again Rica๐Ÿ’œ

๐Ÿ Bakit may paniniwalang bawal ang pinya?May taglay na enzyme ang pinya na tinatawag na bromelain. Sa napakalaking dami ...
10/06/2026

๐Ÿ Bakit may paniniwalang bawal ang pinya?
May taglay na enzyme ang pinya na tinatawag na bromelain. Sa napakalaking dami at concentrated form (tulad ng supplements), maaaring makaapekto ito sa mga tissue. Ngunit ang dami ng bromelain sa karaniwang kinakain na hinog na pinya ay napakaliit at karaniwang natutunaw lamang sa tiyan.

โœ… Mga benepisyo ng pinya sa buntis:

* Mayaman sa Vitamin C
* May fiber na nakakatulong laban sa constipation
* Nakakatulong sa hydration dahil mataas ang water content

โš ๏ธ Mag-ingat lamang kung:

* May allergy sa pinya
* Nagdudulot ito ng matinding heartburn o hyperacidity
* Sobrang dami ang kinakain na nagiging sanhi ng pagtatae o pananakit ng tiyan

Bottom line: Kung normal ang iyong pagbubuntis at walang espesyal na bilin ang iyong doktor o midwife, maaari kang kumain ng hinog na pinya nang katamtaman bilang bahagi ng balanseng pagkain. ๐Ÿ๐Ÿคฐ


Baka meron din kayong ganito mommies.V@ginal inclusion cyst ay isang benign na bukol na malambot usually dahil sa kerati...
09/06/2026

Baka meron din kayong ganito mommies.

V@ginal inclusion cyst ay isang benign na bukol na malambot usually dahil sa keratin na nabubuo sa vaginal wall.

Usually
* Makinis na bilog
* Kadalasang hindi masakit
* Mabagal ang paglaki
* Maaaring matagpuan sa lugar na dating napunit o natahi
* usually harmless pero kapag lumalaki na
Na may discomfort, need na iyan ipatanggal.
Consult your midwife or BETTER DIRECT to your OB.

Thanks for being a top engager and making it on to my weekly engagement list! ๐ŸŽ‰NaLyn Asuncion Malazzab, Ashley Reforzado...
09/06/2026

Thanks for being a top engager and making it on to my weekly engagement list! ๐ŸŽ‰

NaLyn Asuncion Malazzab, Ashley Reforzado, Cyra Agascon, Rhea Amer, Janica Borrico, Liezel Marie Castro RM, Boss Lyn Nel, Mary Rose Saberdo Perdigon, RENA SAMBAN , Jai Jai Barrientos, Manel Merete-Belen, Mary Con Cortez Gelvero, Eric Faa, Ryzza Camacho, Mhyrdenjoy Santosildes, Saphira Jean, May Ann Aranetz, Nenz Villarmino, Aira Nhor, Moral Ocenada Roxanne, Fran Zel, Lourima Ugmad Amoto

Isa sa factor bakit need gumupit ang mga doctor, ay kapag malaki si baby.Kaya mommy, mag diet diet po ha. Para di mahira...
08/06/2026

Isa sa factor bakit need gumupit ang mga doctor, ay kapag malaki si baby.
Kaya mommy, mag diet diet po ha.
Para di mahirapan, and maiwasan na mapunitan

Ang juice na ayaw halos ng mga mommies pero kailangan.
07/06/2026

Ang juice na ayaw halos ng mga mommies pero kailangan.

Bakit bawal na bawal ipahilot ang Placenta Previa at Placenta Accreta?๐Ÿ“ŒAng placenta previa at placenta accreta ay hindi ...
07/06/2026

Bakit bawal na bawal ipahilot ang Placenta Previa at Placenta Accreta?

๐Ÿ“ŒAng placenta previa at placenta accreta ay hindi naaayos sa hilot, masahe, o pagpupuwesto ng tiyan.

๐Ÿšจ Dahil maaari itong magdulot ng matinding pagdurugo na maaaring ikamatay ng nanay at ng baby.

Placenta Previa

Ito ay kapag ang inunan (placenta) ay nakaharang o malapit sa bukana ng cervix.

โŒ Kapag hinilot ang tiyan:

* Maaaring maalis o maistorbo ang placenta.
* Maaaring magsimula ang biglaang pagdurugo.
* Puwedeng mawalan ng sapat na oxygen ang baby.
* Maaaring mauwi sa emergency cesarean section.

Placenta Accreta

Ito naman ay kapag sobrang dikit o nakabaon ang placenta sa dingding ng matres.

โŒ Kapag hinilot:

* Walang paraan para โ€œmaitaasโ€ o โ€œmaalisโ€ ang placenta sa pamamagitan ng hilot.
* Maaaring magdulot ng pagkapunit ng mga ugat sa pagitan ng placenta at matres.
* Posibleng magkaroon ng matinding hemorrhage (pagdurugo).
* Mataas ang panganib ng pagkamatay kung hindi agad maagapan.

Mahalaga

โœ… Ang ultrasound lamang ang makakapagsabi ng tamang lokasyon at kondisyon ng placenta.

๐Ÿงช Urine Culture sa Buntis: Para Saan?Ang Urine Culture ay isang laboratory test na ginagamit upang malaman kung may bact...
06/06/2026

๐Ÿงช Urine Culture sa Buntis: Para Saan?

Ang Urine Culture ay isang laboratory test na ginagamit upang malaman kung may bacteria o impeksiyon sa ihi (UTI) si mommy at kung anong antibiotic ang pinakaangkop na gamot.

๐Ÿคฐ Bakit mahalaga ito sa buntis?

โœ… Natutukoy kahit walang sintomas ang UTI

May mga buntis na may impeksiyon sa ihi ngunit:

* Walang pananakit
* Walang lagnat
* Walang hirap sa pag-ihi

Tinatawag itong asymptomatic bacteriuria, at mahalagang maagapan ito.

โœ… Nakakatulong pumili ng tamang antibiotic

Kasama sa resulta ang sensitivity test na nagsasabi kung anong antibiotic ang epektibo laban sa bacteria.

โš ๏ธ Kapag hindi naagapan ang UTI sa pagbubuntis, maaari itong magdulot ng:

* Kidney infection (Pyelonephritis)
* Maagang pagputok ng panubigan
* Preterm labor o maagang panganganak
* Mababang timbang ng sanggol pagkapanganak

๐Ÿ“Œ Kailan ito ginagawa?

* Kapag may sintomas ng UTI
* Kapag may nakitang bacteria sa urinalysis
* Kapag paulit-ulit ang UTI kahit ginagamot na

12/05/2026

Requirement to avail Philhealth Benefits

11/05/2026

Mukha ang nauna kaya
Sobrang hirap ilabas

Address

Catmon
Santa Maria
3022

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Midwife Aleja-ABH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share