Rural Health Unit of Santa Maria, Laguna

Rural Health Unit of Santa Maria, Laguna Rural Health Unit of Sta. Maria, Laguna
Brgy. Pob. III, Sta, Maria, Laguna
Contact No.: (049) 501-3856

Muli po ang Tanggapan ng Rural Health Unit of Santa Maria ay nananawagan sa lahat ng magulang, mga lolo at lola na makii...
07/08/2026

Muli po ang Tanggapan ng Rural Health Unit of Santa Maria ay nananawagan sa lahat ng magulang, mga lolo at lola na makiisa sa Ligtas Tigdas 2026 Measles Rubella Supplemental Immunization Activity with Vit. A Supplementation (MR SIA VAS) na mag sisimula po nagyong darating na Lunes, August 10, 2026.,

Narito po ang schedule ng isasagawa po nating MRSIA sa inyong mga barangay, mangyaring makipag ugnayan po lamang sa inyong mga BHW at Midwife.

AUGUST 10, 2026
- J. Santiago (am)
- Parang ng Buho (pm)
- Laurel (am)
- Cabuoan (am)

AUGUST 11, 2026
- Adia (am)
- Macasipac (pm)
- Cambuja (am)
- Kayhacat (pm)

AUGUST 12, 2026
- Bagumbayan (am)
- Paoo Kapatagan (am)
- Laurel Highway (am)
- Cueva (kamagong) (am)

AUGUST 13, 2026
- Talangka (am)
- Bubucal (am)
- Bagong Pook (am)
- Pob. IV (pm)

AUGUST 14, 2026
- Pulong Mindanao (am)
- J. Rizal (am)
- Pob. II (pm)

AUGUST 17, 2026
- Pob. I (am)
- Pob. III (pm)

AUGUST 18, 2026
- Tungkod (am)
- Coralan (am)
- Inayapan (pm)
- Calangay (am)
- Masinao (pm)

AUGUST 19, 2026
- Paoo Highway (am)
- Matalingting (pm)
- Cueva (am)

Dalhin ang mga batang edad 6-59 buwan sa pinakamalapit na vaccination site sa inyong lugar upang sila ay mabakunahan laban sa tigdas at tigdas-hangin.

Tandaan WALANG GAMOT laban Measles at Rubella. Tanging bakuna lamang ang paraan para maiwasan ito.

Ligtas Tigdas ang batang bakunado at protektado! 💉


07/08/2026
Alamin kung ano ang Rubella, na kilala rin bilang “German measles” o “Tigdas-hangin.” Mapanganib ang sakit na ito, lalo ...
07/08/2026

Alamin kung ano ang Rubella, na kilala rin bilang “German measles” o “Tigdas-hangin.” Mapanganib ang sakit na ito, lalo na sa mga buntis at sanggol na dinadala.

Walang gamot laban sa Rubella. Tanging bakuna lamang ang paraan para maiwasan ito.

Makiisa sa Ligtas Tigdas 2026 Measles Rubella Supplemental Immunization Activity with Vit. A Supplementation (MR SIA VAS) ngayong darating na Agosto 10-28, 2026.

Dalhin ang mga batang edad 6-59 buwan sa pinakamalapit na vaccination site sa inyong lugar upang sila ay mabakunahan laban sa tigdas at tigdas-hangin.

Ligtas Tigdas ang batang bakunado at protektado! 💉


31/07/2026

Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Santa Maria, Laguna sa pamumuno ni Mayor Cindy Carolino at sa pamamagitan ng Rural Health Unit ay nakikiisa sa kanpanya Kontra Tigdas, kung kaya't hinihikayat ang lahat ng magulang na suportahan ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity para sa mga batang 6 hanggang 59 buwan (months) na gaganapin mula Agosto 10–28, 2026.

Ang pagbabakuna ay isang ligtas at epektibong paraan upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon.

Narito ang mensahe ng ating Punong Bayan Mayor Cindy Carolino at makinig lamang sa mga mapagkakatiwalaang impormasyon mula sa Department of Health, lokal na pamahalaan, at mga health workers.

Sama-sama nating tiyakin ang mas ligtas at mas malusog na kinabukasan para sa bawat bata sa Bayan ni Maria.


07/07/2026

Buong pusong nakikiisa sa kampanya ng Health Education and Promotion Unit - DOH CHD Calabarzon ang Bayan ng Santa Maria, Laguna sa pangunguna na aming buting Punong Bayan Mayor Cindy Carolino at buong Sangguniang Bayan, sa pamamagitan ng Rural Health Unit of Santa Maria, Laguna

Layunin ng kampanya kontra tigdas o "Ligtas Tigdas" na mapalawak ang pagbabakuna upang maprotektahan ang mga bata laban sa malubhang sakit na Measles at Rubella. Hangad nito na maiwasan ang mga nakamamatay na komplikasyon tulad ng pneumonia at brain infection, pigilan ang pagkalat ng virus, at iligtas ang mga komunidad sa outbreak.

Tara na't magsama-sama para sa Ligtas Tigdas na Komunidad.,


🩸Ang lahat po ay muling inaanyayahan na makiisa sa gaganaping Mobile Blood Donation❤️📅 Petsa: June 18, 2026🕗 Oras: 8:00 ...
12/06/2026

🩸Ang lahat po ay muling inaanyayahan na makiisa sa gaganaping Mobile Blood Donation❤️

📅 Petsa: June 18, 2026
🕗 Oras: 8:00 AM – 3:00 PM
📍 Lugar: Sta. Maria, Laguna Town Plaza

✅ Sino ang Puwedeng Mag-donate?

Edad 16–60 taong gulang (kung 16–17, may parental consent)

Timbang na hindi bababa sa 50 kilos

Walang iniinom na maintenance para sa malalang sakit

Walang ubo, sipon, lagnat, o anumang impeksyon sa loob ng nakaraang 1–2 linggo

Walang tattoo o body piercing sa loob ng nakaraang 12 buwan

Walang risky sexual behavior

Nakapahinga at may sapat na tulog bago mag-donate

Kumain ng magaan na pagkain (huwag mag-fasting) bago mag-donate

🚫 Hindi Puwedeng Mag-donate kung:

May sakit sa puso, baga, atay, o kidney

May kasalukuyang impeksyon (hal. hepatitis, HIV, TB, atbp.)

Umiinom ng antibiotics sa loob ng nakaraang linggo

Uminom ng alak sa loob ng 24 oras bago mag-donate

Buntis, bagong panganak, o nagpapasuso

💡 Paalala Bago at Pagkatapos Mag-donate:

Uminom ng maraming tubig bago at pagkatapos ng donation

Magpahinga muna ng ilang minuto matapos makuha ang dugo

Iwasan ang mabibigat na trabaho o pagbubuhat sa parehong araw.



‼️Pabatid‼️Magandang Araw po sa Lahat!Dahil po sa mga scheduled HOLIDAY ngayon buwan ng Hunyo ay narito ang mga pagbabag...
09/06/2026

‼️Pabatid‼️

Magandang Araw po sa Lahat!
Dahil po sa mga scheduled HOLIDAY ngayon buwan ng Hunyo ay narito ang mga pagbabago sa ating schedule para sa Anti-Rabies Vaccination para sa buwang ito.

Maraming salamat po!

Buntis Congress 2026"Kalidad ng Pangangalaga sa Ina, Kalusugan ng Sanggol may Garantiya"Ang tanggapan po ng Rural Health...
04/06/2026

Buntis Congress 2026
"Kalidad ng Pangangalaga sa Ina, Kalusugan ng Sanggol may Garantiya"

Ang tanggapan po ng Rural Health Unit ay nagsagawa ng Buntis Congress na dinaluhan ng 101 Happy Mommies kung saan ay nagbahagi tayo ng kaalaman kung gaano kahalaga ang magkaroon sila ng kumpletong 8 Pre-Natal Check-up, tamang pag hahanda at ligtas na panganganak, kahalagahan ng bitamina para sa kanilang sarili at magiging sanggol. Nagbigay kaalaman din para sa kanilang tamang nutrisyon at ang "First 1000 Days ni Baby"
Namahagi din po tayo ng mga regalo at nagpa raffle ng mga gamit para sa kanilang magiging sanggol.

Salamat po sa Pamahalaang Bayan sa pangunguna po ng ating butihing Punong Bayan Mayor Cindy Carolino sa patuloy at walang sawang pag suporta sa mga programa ng Rural Health Unit.

April Schedule at Santa Maria RHU 🏥Your health, our priority. Please be guided accordingly.
08/04/2026

April Schedule at Santa Maria RHU 🏥
Your health, our priority. Please be guided accordingly.

Address

Brgy. Pob. III, Sta, Maria, Laguna
Santa Maria
4022

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rural Health Unit of Santa Maria, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share