09/03/2026
Bakit Nilalagnat Minsan Pagkatapos Magpahilot?
May ilang tao na nakakaranas ng lagnat o parang flu-like feeling pagkatapos ng massage o hilot, at may ilang posibleng dahilan kung bakit nangyayari ito.
1.Body Detox Response
Kapag na-massage ang muscles, mas bumibilis ang circulation ng dugo at lymphatic flow. Dahil dito, ang mga naipong waste products sa muscles ay gumagalaw sa katawan at minsan nagkakaroon ng temporary immune response kaya parang nilalagnat.
2. Muscle Inflammation
Kung ang muscle ay matagal na may spasm o tension, kapag na-release ito sa massage maaaring magkaroon ng mild inflammation habang nag-aadjust ang katawan.
3.Pagod ang Katawan
Kapag pagod, puyat, o mahina ang immune system ng client bago magpa-hilot, posible na magreact ang katawan pagkatapos ng session.
4. Dehydration
Kapag kulang sa tubig, mas nararamdaman ang body soreness at flu-like symptoms pagkatapos ng massage.
Normal lang ito sa ilang tao at kadalasan nawawala rin pagkatapos magpahinga.
Tips pagkatapos magpahilod:
✅uminom ng maraming tubig
✅ magpahinga muna
✅ iwas muna sa mabigat na activity
✅ maligo ng maligamgam na tubig
⚠️ Pero kung mataas ang lagnat o tumagal ng higit sa 1–2 araw, mas mabuting magpatingin na sa doctor.
Ctto