19/05/2026
𝐊𝐀𝐋𝐘𝐄 𝐋𝐘𝐌𝐏𝐈𝐂𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔!
𝗚𝗿𝘂𝗽𝗼 𝗻𝗴 𝗥𝗼𝘀𝗮𝘀❟ 𝗽𝗮𝗽𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮!
𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗹𝗼❟𝗥𝗼𝘀𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼! 💪🌹
Ang Kabataan ng Market Area ay masayang nakilahok sa Kalye Lympics 2026 na ginanap noong Mayo 18, 2026 sa Brgy. Don Jose Covered Court, bilang grupong Rosas kasama ang mga kabataan mula sa Brgy. Ibaba at Brgy. Tagapo.
Isang araw na puno ng tawanan, sigawan, pawis, at samahan. Mula sa patintero, luksong tinik, hanggang sa huling laro—hindi kami bumitaw. Kasi hindi lang ito palaro, ito ang patunay na ang kabataang nagkakaisa, walang matitinag.
Maraming salamat sa lahat ng kabataang buong pusong nakilahok, lumaban, at nagpakita ng tunay na lakas. Sa bawat talo, may natutunan. Sa bawat panalo, may pinagsamahan. Sa bawat pawis at pagod, isang alaala na dadalhin namin habambuhay.
Nais din naming ipahayag ang aming taos-pusong pasasalamat kay 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐭𝐚𝐧 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗮𝗲𝗹 𝗔𝗺𝗯𝗮𝘁𝗮 at sa 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁 𝗔𝗿𝗲𝗮 na si 𝐃𝐞𝐧𝐧𝐢𝐬𝐬𝐞 𝐂𝐨𝐥𝐞𝐧 𝐑𝐢𝐜𝐨 at 𝐋𝐨𝐮𝐢𝐬𝐬𝐞 𝐃𝐞𝐥 𝐌𝐮𝐧𝐝𝐨 para sa walang sawang suporta, tiwala, at gabay. Gayundin sa aming VAWC na si 𝐍𝐞𝐭 𝐇𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐞𝐳 𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬, maraming salamat sa pag-aalaga at pagtiyak na ligtas at masaya ang lahat sa buong programa. Maraming salamat rin po sa CSWD ng Sta. Rosa especially po kay sir Cedric Lawrence Alas❤️
at sa organisasyon ng 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐂𝐇𝐈𝐋𝐃𝐑𝐄𝐍 𝐅𝐄𝐃𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍.
𝐆𝐎, 𝐑𝐎𝐒𝐀𝐒! 𝐒𝚰𝐆𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍, 𝐑𝐎𝐒𝐀S 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐌𝐏𝐄𝐎𝐍! 💗🔥
ROSAS ANG NAGWAGI! 👑💗
CHAMPION: TEAM PINK!
Brgy. Market Area
Brgy. Ibaba
Brgy. Tagapo
Kalye Lympics 2026 CHAMPS!
🏆