06/06/2026
June is Cataract Awareness Month
Ang malinaw na paningin ay mahalagang bahagi ng ating araw-araw na buhay. Ngunit milyon-milyong tao ang nakararanas ng katarata (cataract), isang kondisyon kung saan lumalabo ang lente ng mata at nagdudulot ng malabong paningin.
Ngayong Cataract Awareness Month, alamin ang mga sintomas, sanhi, at lunas upang maagapan ang pagkawala ng malinaw na paningin. Tandaan, ang maagang pagpapatingin sa espesyalista ay makatutulong upang mapanatiling malusog ang ating mga mata.
1. Magpa-check up kung nakararanas ng malabong paningin.
2. Magsuot ng salaming may UV protection.
3. Alagaan ang kalusugan, lalo na kung may diabetes.
4. Huwag balewalain ang anumang pagbabago sa iyong paningin.
Ang katarata ay nagagamot. Ang maagang pagkilos ay susi sa mas maliwanag na kinabukasan.
Magpakonsulta na sa Novo Eye Care Clinic, huwag hayaang lumala ang problema sa paningin. Magpa-schedule ng eye examination at alamin ang pinakamahusay na solusyon para sa iyong paningin.
Contact us for inquiries and appointments.
Send us a message through our page