01/10/2026
Alam mo ba ang pinagkaiba ng Pulmonary TB (PTB) at Extrapulmonary TB (EPTB)? 🫁✨
Pulmonary TB (TB sa Baga): Ito 'yong nakakahawa sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing, o pagsasalita.
Extrapulmonary TB (TB sa Labas ng Baga): Maaaring maapektuhan ang lymph nodes, spine, utak, at iba pang organs. Generally, hindi ito nakakahawa.
Paano gagamutin? 💊
- Pareho silang nagagamot sa pamamagitan ng TB-DOTS program gamit ang anti-TB drugs.
• Pulmonary TB: Karaniwang 6 na buwan.
• Extrapulmonary TB: Maaaring 9 hanggang 12 buwan.
⚠️ Paalala: Napakahalagang tapusin ang buong gamutan para maiwasan ang Drug-Resistant TB (MDR-TB)!
Alam ang TB, Labanan ang TB! Tamang Impormasyon. Mas Ligtas na Bukas. 🔴🩺
Have questions for us? Don't hesitate to leave us a message! 😊
📍 Visit us: San Josep, Santa Rosa, Nueva Ecija (At the back of Doc Robinson Medical Clinic).
⏰ Schedule: Our HIV Treatment Facility is open Monday to Saturday.