SIMC Public Health Unit

SIMC Public Health Unit Provide and facilitate holistic and systematic level of health promotion and disease prevention

πŸ“Έ π—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 || π—¦π—œπ— π—– π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—¦π—˜π—₯π—©π—œπ—–π—˜ π—œπ—‘π—™π—’π—₯π— π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗔π—ͺ𝗔π—₯π—˜π—‘π—˜π—¦π—¦ 𝗙π—₯𝗒𝗠 π—¦π—œπ— π—– - π—”π——π— π—œπ—§π—§π—œπ—‘π—š π—¦π—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘The Southern Isabela Medical Cente...
04/06/2026

πŸ“Έ π—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 || π—¦π—œπ— π—– π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—¦π—˜π—₯π—©π—œπ—–π—˜ π—œπ—‘π—™π—’π—₯π— π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗔π—ͺ𝗔π—₯π—˜π—‘π—˜π—¦π—¦ 𝗙π—₯𝗒𝗠 π—¦π—œπ— π—– - π—”π——π— π—œπ—§π—§π—œπ—‘π—š π—¦π—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘

The Southern Isabela Medical Center - Admitting Section during the conduct of Watcher’s Class through SIMC Public Health Unit - Health Education and Promotion and Advocacy awareness activity, explicitly presented its processes and requirements needed for admission and other pertinent documents should a client chooses healthcare services of SIMC.

The objective of this is to make the clients of SIMC be prepared for possible admission of patients to achieve smooth flow of transaction. Mx. David Jun Ablao, the presenter from SIMC - Admitting Section, rest assured the public that all information gathered will be treated with strict confidentially.


πŸ“Έπ—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 || π—•π—œπ—’π— π—˜π—§π—₯π—œπ—–π—¦ 𝗣π—₯π—’π—–π—˜π—¦π—¦ 𝗔𝗗𝗩𝗒𝗖𝗔𝗖𝗬 π—ͺπ—œπ—§π—› π—¦π—œπ— π—– - π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—œπ—‘π—™π—’π—₯π— π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗔𝗑𝗗 π— π—”π—‘π—”π—šπ—˜π— π—˜π—‘π—§ π——π—˜π—£π—”π—₯π—§π— π—˜π—‘π—§Ang proseso ng biometr...
04/06/2026

πŸ“Έπ—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 || π—•π—œπ—’π— π—˜π—§π—₯π—œπ—–π—¦ 𝗣π—₯π—’π—–π—˜π—¦π—¦ 𝗔𝗗𝗩𝗒𝗖𝗔𝗖𝗬 π—ͺπ—œπ—§π—› π—¦π—œπ— π—– - π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—œπ—‘π—™π—’π—₯π— π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗔𝗑𝗗 π— π—”π—‘π—”π—šπ—˜π— π—˜π—‘π—§ π——π—˜π—£π—”π—₯π—§π— π—˜π—‘π—§

Ang proseso ng biometrics, tulad ng pagkuha ng fingerprint o facial scan, ay isang malaking tulong upang pabilisin at gawing mas episyente ang digitalisasyon ng pagse-set ng OPD appointment sa Southern Isabela Medical Center.

Ito ay nag-aalis sa pangangailangang punan ng pasyente ang paulit-ulit na mga form, pinipigilan ang pagdoble ng mga rekord, at nagsisiguro na ang isang pasyente ay agad na makikilala at mabibigyan ng tamang rekord sa fingerprint lamang.

Katuwang ang SIMC sa pagsulong ng biometrics na hindi lamang nagpapadali para sa mga pasyente kundi tumutulong din sa ospital na magamit nang mas maayos ang mga mapagkukunan nito, na nagreresulta sa mas maayos at episyenteng sistema ng pangangalagang pangkalusugan.

Sa pangunguna ni Dr. Krizia Gail G. Balabbo, MPM, PHU Adviser at Ms. Nerissa Dizon, HIMD Unit Head kasama si Mr. Maclin Orbillo mula sa SIMC - Health Information and Management Department, isinagawa ang Bantay Edukasyon sa mga pasyente at bantay ng SIMC OPD.


πŸ“Έπ—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 || π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ 𝗑𝗒 π—¦π— π—’π—žπ—œπ—‘π—š 𝗠𝗒𝗑𝗧𝗛 𝗔𝗗𝗩𝗒𝗖𝗔𝗖𝗬 π—ͺπ—œπ—§π—› π—¦π—œπ— π—– - π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—– π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—¨π—‘π—œπ—§Ngayong buwan ng Hunyo ay ginugunita ng S...
04/06/2026

πŸ“Έπ—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 || π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ 𝗑𝗒 π—¦π— π—’π—žπ—œπ—‘π—š 𝗠𝗒𝗑𝗧𝗛 𝗔𝗗𝗩𝗒𝗖𝗔𝗖𝗬 π—ͺπ—œπ—§π—› π—¦π—œπ— π—– - π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—– π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—¨π—‘π—œπ—§

Ngayong buwan ng Hunyo ay ginugunita ng Southern Isabela Medical Center ang National No Smoking Month. Ang selebrasyon na ito ay binibigyang-diin nito ang pinsalang dulot ng paninigarilyo at paggamit ng v**e o e-cigarette hindi lamang sa naninigarilyo kundi pati na rin sa kanilang pamilya at komunidad.

Sa talakayang ito, napapaalalahanan ang bawat isa na ang usok ng sigarilyo at v**e ay nagdudulot ng kanser, sakit sa puso, at iba pang malubhang karamdaman partikular sa mga kabataan ngayon.

Layunin ng selebrasyon na ang ating komunidad ay isang β€œsmoke-free” na at ligtas na kapaligiran para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.

Sa pangunguna ni Dr. Krizia Gail G. Balabbo, MPM, PHU Adviser, isinagawa ang Bantay Edukasyon sa mga pasyente at bantay ng SIMC OPD.





πŸ“Έπ—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 || 𝗒𝗣𝗗 𝗣π—₯π—’π—–π—˜π—¦π—¦ 𝗔𝗗𝗩𝗒𝗖𝗔𝗖𝗬 π—ͺπ—œπ—§π—› π—¦π—œπ— π—– - 𝗒𝗨𝗧-π—£π—”π—§π—œπ—˜π—‘π—§ π——π—˜π—£π—”π—₯π—§π— π—˜π—‘π—§Bilang isang apex o tertiary level hospital ang Sou...
03/06/2026

πŸ“Έπ—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 || 𝗒𝗣𝗗 𝗣π—₯π—’π—–π—˜π—¦π—¦ 𝗔𝗗𝗩𝗒𝗖𝗔𝗖𝗬 π—ͺπ—œπ—§π—› π—¦π—œπ— π—– - 𝗒𝗨𝗧-π—£π—”π—§π—œπ—˜π—‘π—§ π——π—˜π—£π—”π—₯π—§π— π—˜π—‘π—§

Bilang isang apex o tertiary level hospital ang Southern Isabela Medical Center (SIMC), mahalaga na alamin ang mga proseso ng pagpapatingin ng mga nararamdamang sakit at pagpapakonsulta sa mga doktor para sa mga pasyente na OPD (Out-Patient Department).

Ilan sa mga itinalakay ang mga serbisyong handog ng OPD mula sa mga iba't ibang departamento ng SIMC para sa mga pasyente, pagpunta sa triage at pagkuha ng QR code, pagpapacheck-up muna sa mga nars ng navigation, at pagfill-up ng PPI o Patient's Personal Information.

Sa pangunguna ni Dr. Krizia Gail G. Balabbo, MPM, PHU Adviser kasama si Ms. Jane Genevieve NuΓ±ez, isang nars mula sa SIMC - Out-Patient Department (OPD) Services, isinagawa ang Bantay Edukasyon sa mga pasyente at bantay ng SIMC OPD.


πŸ“Έπ—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 || π——π—˜π—‘π—šπ—¨π—˜ 𝗔π—ͺ𝗔π—₯π—˜π—‘π—˜π—¦π—¦ 𝗠𝗒𝗑𝗧𝗛 𝗔𝗗𝗩𝗒𝗖𝗔𝗖𝗬 π—ͺπ—œπ—§π—› π—¦π—œπ— π—– - π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—– π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—¨π—‘π—œπ—§Katuwang ang Southern Isabela Medical Center...
03/06/2026

πŸ“Έπ—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 || π——π—˜π—‘π—šπ—¨π—˜ 𝗔π—ͺ𝗔π—₯π—˜π—‘π—˜π—¦π—¦ 𝗠𝗒𝗑𝗧𝗛 𝗔𝗗𝗩𝗒𝗖𝗔𝗖𝗬 π—ͺπ—œπ—§π—› π—¦π—œπ— π—– - π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—– π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—¨π—‘π—œπ—§

Katuwang ang Southern Isabela Medical Center sa paggunita ng Dengue Awareness Month ngayong buwan ng Hunyo. Ito ay upang mapaalalahanan ang bawat Pilipino na ang dengue ay isang sakit na maiiwasan.

Sa talakayang ito, pinaalalahanan tayo ng DOH na sa pamamagitan ng patuloy na pagpapaalala ng 4S strategy (Search and destroy, Self-protection, Seek early consultation, Support fogging), nagkakaroon ng disiplina ang komunidad na sirain ang mga pinamumugaran ng lamokβ€”tulad ng mga nakatagong tubig sa lumang gulong, timba, at paso.

Ito ay panawagan sa ating komunidad na ang kalinisan sa paligid ay hindi lamang tungkulin ng gobyerno kundi ng bawat tahanan, upang mailigtas ang mga pamilya lalo na ang mga bata mula sa nakamamatay na kagat ng lamok.

Sa pangunguna ni Dr. Krizia Gail G. Balabbo, MPM, PHU Adviser, isinagawa ang Bantay Edukasyon sa mga pasyente at bantay ng SIMC OPD.





‼️TUNAY NA BUGHAW ANG BUHAY, KUNG ANG BATO AY MASIGLANG TUNAY‼️Detalye sa comment section.
03/06/2026

‼️TUNAY NA BUGHAW ANG BUHAY, KUNG ANG BATO AY MASIGLANG TUNAY‼️

Detalye sa comment section.

‼️DOH, KAAGAPAY SA MGA BENEPISYONG HANDOG NG PHILHEALTH PARA SA MGA CANCER PATIENTS AT SURVIVORS‼️Ngayong National Cance...
02/06/2026

‼️DOH, KAAGAPAY SA MGA BENEPISYONG HANDOG NG PHILHEALTH PARA SA MGA CANCER PATIENTS AT SURVIVORS‼️

Ngayong National Cancer Survivor Day, mahalagang tandaan na ang PhilHealth ay kaagapay ng mga cancer survivor hindi lang sa gastusin kundi sa patuloy na pag-asa.

Narito ang 3 benepisyong handog ng DOH at PhilHealth:
βœ…Patuloy na suporta sa follow-up care
βœ…No Balance Billing para sa cancer packages
βœ…Z Benefits para sa piling cancer types tulad ng kanser sa suso, prostata, at childhood cancers

Dahil sa benepisyong pangkalusugan nito, nababawasan ang pasanin sa bulsa at puso ng pamilyaβ€”na nagbibigay-daan upang mas makapagpokus ang survivor sa kanyang kalusugan at bagong pagkakataon sa buhay.





πŸ“Έπ—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 || π—§π—˜π—Ÿπ—˜π— π—˜π——π—œπ—–π—œπ—‘π—˜ 𝗣π—₯π—’π—–π—˜π—¦π—¦ 𝗔𝗗𝗩𝗒𝗖𝗔𝗖𝗬 π—ͺπ—œπ—§π—› π—¦π—œπ— π—– - π—§π—˜π—Ÿπ—˜π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—¦π—˜π—₯π—©π—œπ—–π—˜π—¦ π—¨π—‘π—œπ—§Upang maiwasan ang hirap ng gastos, naka...
02/06/2026

πŸ“Έπ—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 || π—§π—˜π—Ÿπ—˜π— π—˜π——π—œπ—–π—œπ—‘π—˜ 𝗣π—₯π—’π—–π—˜π—¦π—¦ 𝗔𝗗𝗩𝗒𝗖𝗔𝗖𝗬 π—ͺπ—œπ—§π—› π—¦π—œπ— π—– - π—§π—˜π—Ÿπ—˜π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—¦π—˜π—₯π—©π—œπ—–π—˜π—¦ π—¨π—‘π—œπ—§

Upang maiwasan ang hirap ng gastos, nakakapagod at mahabang oras ng pagpila, isinagawa ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa SIMC Telemedicine. Kabilang dito ang teleconsultation na kung saan ay pinapadali ang proseso ng konsultasyon.

Para sa karagdagang impormasyon patungkol sa telemedicine:
FB Page: SIMC - Telehealth Services Unit
Contact Number/s: 09985610913 / 0960200291
Address: Southern Isabela Medical Center, Tower A, 2nd Floor, Telemedicine Office

Sa pangunguna ni Dr. Krizia Gail G. Balabbo, MPM, PHU Adviser kasama si Mr. Edzel Gamit mula sa SIMC - Telehealth Services Unit, isinagawa ang Bantay Edukasyon sa mga pasyente at bantay ng SIMC OPD.


πŸ“Έπ—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 || π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—–π—”π—‘π—–π—˜π—₯ 𝗦𝗨π—₯π—©π—œπ—©π—’π—₯ 𝗗𝗔𝗬 π—§π—˜π—¦π—§π—œπ— π—’π—‘π—œπ—”π—Ÿ π—ͺπ—œπ—§π—› 𝗠𝗦. π— π—”π—§π—œπ—Ÿπ——π—˜ 𝗣𝗨π—₯π—¨π—šπ—šπ—”π—‘π—”π—‘Ngayong araw, June 2, ay ipinagdiriwan...
02/06/2026

πŸ“Έπ—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 || π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—–π—”π—‘π—–π—˜π—₯ 𝗦𝗨π—₯π—©π—œπ—©π—’π—₯ 𝗗𝗔𝗬 π—§π—˜π—¦π—§π—œπ— π—’π—‘π—œπ—”π—Ÿ π—ͺπ—œπ—§π—› 𝗠𝗦. π— π—”π—§π—œπ—Ÿπ——π—˜ 𝗣𝗨π—₯π—¨π—šπ—šπ—”π—‘π—”π—‘

Ngayong araw, June 2, ay ipinagdiriwang ng Southern Isabela Medical Center ang National Cancer Survivor Day. Ito ay isang espesyal na pagdiriwang upang bigyang-pugay ang mga taong nakalaban sa cancer at patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa iba.

Sa araw na ito, nagbahagi ng testimonya ang isa sa cancer survivor na si Ms. Matilde Purugganan upang ilahad ang kanyang pinagdaanan sa sakit na kanser at kung paano niya ito nalagpasan.

Sa pangunguna ni Dr. Krizia Gail G. Balabbo, MPM, PHU Adviser kasama si Ms. Matilde Purugganan, ang presidente ng Buhay Ka! Isabela Foundation, isinagawa ang Bantay Edukasyon sa mga pasyente at bantay ng SIMC OPD.





Address

Zamora Street , Rosario
Santiago
3311

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5am

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SIMC Public Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to SIMC Public Health Unit:

Share