15/07/2026
๐ Salon de Agojo Tanauan
๐ Salon de Agojo Wellness Spa Sto Tomas Branch
๐ฉ Salon de Agojo Malvar Batangas
ALAM NYO BA???
Ang PROTEIN STRAIGHT & ORGANIC REBOND ay parehong hair straightening treatments ang Protein Straight at Organic Rebond, ngunit magkaiba ang resulta, tagal, at paraan ng pag-aalaga.
๐ Protein Straight
Ang Protein Straight ay isang treatment na nagpapatuwid ng buhok gamit ang protein at nourishing ingredients. Bukod sa pagpapaganda ng buhok, nire-repair din nito ang dry at damaged hair. Ang resulta ay natural-looking, malambot, makintab, at hindi sobrang flat ang buhok. Mainam ito para sa wavy, dry, frizzy, o bahagyang kulot na buhok. Karaniwang tumatagal ito ng 3โ6 months, depende sa tamang maintenance.
๐ฟ Organic Rebond
Ang Organic Rebond naman ay nagbibigay ng mas tuwid, mas sleek, at mas long-lasting na resulta. Gumagamit ito ng mas mild at organic-based ingredients kumpara sa traditional rebond kaya mas banayad sa buhok. Inirerekomenda ito para sa makapal, matigas, o kulot na buhok na gustong maging mas madaling ayusin. Karaniwang tumatagal ito ng 6months, depende sa pagtubo ng buhok at tamang pag-aalaga.
Ano ang Pagkakaiba?
โ Protein Straight โ Mas natural ang bagsak, mas malambot ang buhok, at nakatutulong sa pag-repair ng damaged hair.
โ Organic Rebond โ Mas tuwid, mas sleek, at mas matagal ang straightening effect.
Paano Alagaan ang Buhok?
Upang mas tumagal ang ganda ng treatment:
Gumamit ng sulfate-free shampoo at conditioner.
Magbrazilian, Mag-hair mask o hair spa isang beses bawat buwan.
Gumamit ng hair serum o hair oil para mapanatiling makintab at moisturized ang buhok.
Patuyuin muna ang buhok bago matulog.
Gumamit ng wide-tooth comb at heat protectant kung magba-blower o magpa-plantsa.
Ano ang Bawal Pagkatapos ng Treatment?
Sa loob ng unang 72 oras (3 araw):
โ Huwag basain ang buhok.
โ Huwag itali, i-clip, o isuksok sa tenga.
โ Huwag magsuot ng headband o sumbrero na maaaring mag-iwan ng marka.
โ Huwag mag-swimming.
โ Iwasan ang sobrang pagpapawis hangga't maaari.
Salon de Agojo Tip ๐: Hindi lahat ng buhok ay pare-pareho. Bago ang anumang chemical treatment, nagsasagawa kami ng hair assessment upang mairekomenda ang pinakaligtas at pinakaangkop na serbisyo para sa iyong buhok kaya halika na dito at subukan ang aming hair treatment๐
๐ฒ09985547168