03/08/2026
Kasalanan talaga to nina Vilma Santos, Elizabeth Oropesa, at Nora Aunor kaya marami pa ring mga mommy na wagas makasigaw kapag nanganganak. gaya nung kaninang madaling araw. Malayo pa lang sa delivery room, may narinig na akong parang kinakatay. 🤣
Ang kaibahan kasi, sa pelikula, si direk ang masusunod. Mas malakas ang ngawa, mas lumuluwa ang mata, mas naninigas plus matching lumilitaw na ugat sa leeg sa kakairi, mas effective ang acting.
In real life, si doktora OB ang inyong direktor with matching coaching sa ating nurses at midwife, minsan umeekstra rin si pedia. Pero from a medical standpoint, shouting will not help push baby down. In fact, mas mapapagod lang kayo lalo dahil kapag sumisigaw, napapa-exhale din kayo continuously instead of directing effort sa pag-iri. So pag ganyan, lumuwa na ang mata ni mommy, si baby steady pa rin sa loob ng uterus - pati siya masesetress lalo!
Kaya dapat: inhale deeply, kaunting pause, then push nang tuluy-tuloy, with matching angat ng kaunti ng ulo at tingin kay direk OB para mas tumaas ang abdominal pressure kasabay ng uterine contraction! VOILA. Labas si baby nang mas mabilis 😬👌
Pero si mommy kanina pinatawad ko na kahit medyo nabulabog ang aking eardrums. Kinaya niya kasing i-normal delivery ang 3.62kg na baby 😅