06/07/2026
ππ€ PhilHealth YAKAP Caravan 2026
"Serbisyong Pangkalusugan, Abot-Kamay ng Bawat Pilipino."
July 6, 2026.
Matagumpay na isinagawa ang PhilHealth YAKAP Caravan 2026 para sa mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Tagaytay, bilang bahagi ng patuloy na layunin na mailapit ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan at mga benepisyo ng PhilHealth sa ating mga lingkod-bayan.
Bilang katuwang sa programang ito, nagsagawa ang medical team ng Ospital ng Tagaytay, na binubuo ng mga doktor, nars, medical technologists, at iba pang kawani ng ospital, ng medical mission na nagbigay ng libreng konsultasyon, pangunahing serbisyong medikal, at health education para sa mga kawani ng BJMP Tagaytay.
Nagkaroon din ng pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga benepisyo ng PhilHealth, pagpaparehistro at pag-update ng membership records, at pagsagot sa mga katanungan upang matiyak na ang bawat kawani ay may sapat na kaalaman at access sa kanilang mga benepisyong pangkalusugan.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng programang ito ay naging posible sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng PhilHealth, BJMP Tagaytay, at Ospital ng Tagaytay. Lubos naming ipinagmamalaki ang dedikasyon at malasakit ng aming mga doktor, nars, medical technologists, at iba pang hospital staff na buong pusong naglaan ng kanilang oras, kaalaman, at serbisyo para sa kapakanan ng mga kawani ng BJMP.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang gawaing ito. Patuloy tayong magkaisa sa paghahatid ng serbisyong may malasakit at sa pagsusulong ng mas malusog na pamayanan.