13/06/2026
Ganito yan kapag ear cleaning sa clinic ko.
1. Endoscopy ng tenga, ipapakita ko sa iyo sa monitor/TV ang kondisyon ng loob ng tenga mo. Kailangan bang linisin o hindi?
Kalikot, suyop, sundot, trapo..then...
2. Endoscopy ulit, ipapakita ko ulit sa iyo sa monitor/TV kung gaano kalinis na ang loob ng tenga mo.
Ipapakita ko ang Before at After paglimpiyo.
May ebidensya, walang halong bola. π
Pulidong linis lalo na kapag fungal infection sa tenga. Mas masaya akong naglilinis ng tenga, mas challenging, masarap gawin, satisfying. Kahit nakakangalay sa braso at masakit na sa likod.
Perfectionist ako sa paglilinis ng tenga kaya it takes more time. Sorry po sa waiting time if mahaba ang pila sa labas.
Gusto ko paglabas mo ng clinic ko eh happy ka!