Public Health Unit - Talavera General Hospital

Call Directions Website

Public Health Unit - Talavera General Hospital Talavera General Hospital as a community partner and an outstanding health-promoting hospital

28/09/2026
GREEN IS IN! | Sama-Sama Para sa Healthy Community How does a healthy environment contribute to a healthier community? J...
23/09/2026

GREEN IS IN! | Sama-Sama Para sa Healthy Community

How does a healthy environment contribute to a healthier community?

Join us as we talk about Green and Safe Health Facilities, Energy Efficiency, and Environmental Health in celebration of World Environmental Health Day 2026!

DWNE TELERADYO
September 28, 2026 (Monday)
1:00 PM
Facebook Live @ DWNE Teleradyo, Talavera General Hospital Public Health Unit - Talavera General Hospital

Letโ€™s learn how greener, safer, and more sustainable health facilities can help build healthier communities.

Tune in and join the conversation!

31/08/2026

Ano ang pinagkaiba ng TB Infection at TB Disease?

Detalye sa comment section.




31/08/2026

Breastfeed on Demand! ๐Ÿคฑ๐Ÿ‘ถ

Alamin ang mga maagang senyales ng gutom ni baby at pasusuhin siya sa oras na kailangan niya:

Tandaan: Mas madali ang pagpapasuso kapag maagap na natutugunan ang kanyang pangangailangan! Patuloy na isinusulong ng Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP ang pagpapasuso bilang pundasyon ng malusog na simula para sa bawat sanggol ngayong !




27/08/2026

DOH: 'Wag matakot sa mga side effect ng bakuna. Ang mga ito ay normal lamang at madalang na mangyari.

Kung sakaling makaranas ng side effects, handa ang mga healthcare worker na tumugon sa mga ito.

Ang dapat ikatakot ay ang panganib ng Tigdas at Tigdas-hangin na maaaring humantong sa pagkaospital at kamatayan.

Pumunta sa pinakamalapit na health center o sumangguni sa nurse o midwife sa inyong barangay para sa pagbabakuna.



27/08/2026

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ, ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ผ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ

Matapos mabakunahan ng Measles-Rubella (MR) vaccine, maaaring makaranas ang inyong anak ng ilang mild at pansamantalang side effects.

Huwag agad mag-alala. Karamihan sa mga ito ay normal na reaksyon at kusang nawawala. Ang mahalaga, obserbahan ang inyong anak at bigyan siya ng sapat na pahinga at pangangalaga.

Kung makararanas naman ng hirap sa paghinga, pamamaga ng mukha o lalamunan, kombulsyon, matinding panghihina, o hindi pangkaraniwang pagdurugo, magpatingin agad sa health center o doktor.

Sa bawat bakuna, dagdag proteksyon. Sa bawat magulang na nagmamalasakit, mas ligtas ang ating komunidad.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa MR vaccination at follow-up, makipag-ugnayan sa aming Out-Patient Department.

HEALTHY CHOICES, HEALTHY FAMILIESNakibahagi ang Talavera General Hospital sa pagdiriwang ng National Family Planning Mon...
27/08/2026

HEALTHY CHOICES, HEALTHY FAMILIES

Nakibahagi ang Talavera General Hospital sa pagdiriwang ng National Family Planning Month at National Breastfeeding Month noong Agosto 25, 2026 na ginanap sa Out-Patient Department Waiting Area.

Pinangunahan ng TGH Family Planning Committee at Lactation Management Training Committee, katuwang ang Nueva Ecija Medical Society, ang isang makabuluhang health education activity para sa ating mga pasyente at pamilya.

Sa pamamagitan ng mga lectures, open Q&A, mga freebies at snacks, nabigyan ang ating mga pasyente ng pagkakataong matuto, magtanong, at makakuha ng tamang impormasyon tungkol sa family planning at breastfeeding.

Dahil ang bawat pamilya ay may sariling pangangailangan at bawat pasyente ay may karapatang makinig, magtanong, at gumawa ng impormadong desisyon para sa kanilang kalusugan.

Para sa pasyente. Para sa pamilya. Para sa mas malusog na komunidad.

25/08/2026

Address

Maestrang Kikay Talavera Nueva Ecija
Talavera

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639433558312

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Health Unit - Talavera General Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share