17/08/2026
๐ง๏ธ HABAGAT SEASON: MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS! ๐
Patuloy ang pag-ulan, at kasama nito ang panganib ng leptospirosisโisang bacterial infection na maaaring makuha sa paglangoy, paglusong, o pagkakadikit sa baha o tubig na kontaminado ng ihi ng infected animals.
๐ก Maging alerto at protektahan ang sarili at pamilya:
โข Iwasan ang paglusong sa baha kung maaari.
โข Kung hindi maiiwasan, magsuot ng protective footwear at panatilihing may takip ang mga sugat.
โข Hugasan agad ng malinis na tubig at sabon ang balat na nalantad sa baha.
โข Magpalit agad ng basang damit at panatilihing malinis ang katawan.
โข Bantayan ang mga sintomas gaya ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pamumula ng mata, pagsusuka o pananakit ng tiyan.
โข Kung nagkaroon ng exposure sa baha at may nararamdamang sintomas, magpakonsulta agad sa doktor.
๐ Tungkol sa doxycycline:
Ang doxycycline ay isang prescription antibiotic at maaaring gamitin bilang preventive treatment sa ilang taong may mataas na risk ng leptospirosis exposure. Hindi ito dapat basta-basta iniinom nang walang medical assessment at reseta. Ang tamang gamot at regimen ay depende sa uri at level ng exposure at sa kalagayan ng pasyente.
๐ค Sa 7MM DrugMart, nandito kami para tumulong sa tamang paggamit ng gamot. Kung may reseta o may concern tungkol sa iyong gamot, lumapit sa aming pharmacist para sa tamang guidance.
Sa panahon ng baha, prevention is protection. ๐
Mag-ingat, maging informed, at alagaan ang sarili at pamilya. ๐ง๏ธ๐