30/07/2026
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Ika-52 na Nutrition Month na may temang "๐ก๐๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฎ๐ป!", matagumpay na nagsagawa ang ๐ก๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐ฒ๐๐ฒ๐๐ถ๐ฐ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฟ๐ฒ๐น ๐ ๐ฒ๐บ๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐ฐ๐ ๐๐ผ๐๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐น ng serye ng Nutrition Month activities na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga pasyente tungkol sa tamang nutrisyon, pangangalaga sa kalusugan, at pagpapanatili ng isang mas malusog at mas napapanatiling pamumuhay.
Aktibidad 1: ๐ต๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐
Noong Hulyo 29, 2026, inimbitahan ang Laurel Memorial District Hospital, sa pangangasiwa ng ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐ก๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ถ๐๐-๐๐ถ๐ฒ๐๐ถ๐๐ถ๐ฎ๐ป ๐, ๐ ๐. ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐๐ต๐ฎ ๐๐น๐ฎ๐ถ๐ป ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ต๐ผ, upang magsagawa ng isang Nutrition Month Health Talk sa Hydromed Dialysis Clinic โ Tanauan na pinamagatang "๐ง๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐บ๐ผ๐ฑ๐ถ๐ฎ๐น๐๐๐ถ๐."
Sa nasabing aktibidad, nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa tamang pagpili ng pagkain, kahalagahan ng sapat na protina, pagkontrol sa sodium (asin), potassium, phosphorus, at tamang pag-inom ng likido para sa mga pasyenteng sumasailalim sa hemodialysis. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng tamang nutrisyon bilang katuwang sa mas maayos na kalusugan at mas magandang kalidad ng buhay, kasabay ng pagsasabuhay ng tema ng Nutrition Month na nag-uugnay sa kalusugan at pangangalaga sa kalikasan.
Bilang munting pasasalamat sa kanilang aktibong pakikilahok, naghandog ang Nutrition and Dietetics Service ng Laurel Memorial District Hospital ng "๐ ๐๐ป๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ๐ด: ๐ก๐๐๐ฟ๐ถ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐ฃ๐ฎ๐ฐ๐ธ." Ang bawat pack ay naglalaman ng isang sariwang mansanas, bottled water, cookies, plantable pencil na may kasamang vegetable seeds, at isang nutrition education material bilang paalala na ang pangangalaga sa kalusugan at kalikasan ay maaaring magsimula sa maliliit ngunit makabuluhang hakbang.
Aktibidad 2: ๐พ๐๐๐
-๐๐-๐พ๐๐๐
๐ต๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐
๐๐: ๐ต๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐ ๐ท๐๐๐
Noong Hulyo 30, 2026, muling nagsagawa ang Nutrition and Dietetics Service ng Laurel Memorial District Hospital ng isang Ward-to-Ward Nutrition Month Health Talk para sa mga pasyenteng naka-admit sa iba't ibang ward ng ospital.
Sa bawat ward, nagbahagi ang Registered Nutritionist-Dietitian ng mahahalagang kaalaman tungkol sa:
๐ฝ๏ธ Pagsunod sa diet na inirereseta ng doktor at dietitian bilang bahagi ng gamutan;
๐ฑ Pag-iwas sa pag-aaksaya ng pagkain at wastong pagpapahalaga sa bawat pagkain bilang ambag sa pangangalaga ng kalikasan;
๐ฅฌ Pagpili ng masustansya, lokal, at pana-panahong pagkain upang mapanatili ang mabuting kalusugan habang sinusuportahan ang ating mga lokal na magsasaka; at
๐ฉโโ๏ธ Kahalagahan ng pagsunod sa payo ng healthcare team, kabilang ang doktor, nurse, at dietitian, upang makamit ang mas mabilis at ligtas na paggaling.
Matapos ang health talk, personal na ipinamahagi sa mga pasyente ang "Munting Handog: Nutri Care Pack," na naglalaman ng isang sariwang mansanas, bottled water, cookies, plantable pencil na may kasamang vegetable seeds, at nutrition education material. Ang simpleng handog na ito ay sumisimbolo sa hangarin ng Nutrition and Dietetics Service na hikayatin ang bawat pasyente na pangalagaan ang kanilang kalusugan habang isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at paggawa ng mga simpleng sustainable na gawain.
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, ipinakita ng Nutrition and Dietetics Service ng Laurel Memorial District Hospital ang patuloy nitong dedikasyon sa pagsusulong ng tamang nutrisyon, pagpapalawak ng kaalaman sa kalusugan, at pangangalaga sa kalikasan. Nawa'y ang bawat kaalamang naibahagi at bawat Munting Handog: Nutri Care Pack na naipamahagi ay magsilbing inspirasyon upang maisabuhay ang diwa ng Nutrition Month 2026โ"๐ก๐๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฎ๐ป! ๐ฆ๐ฎ ๐ฃ๐ฃ๐๐ก: ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ-๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ก๐๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐."