17/08/2026
π¦ MEASLES (TIGDAS): ALAMIN. MAG-INGAT. MAGPABAKUNA. π
Ang measles o tigdas ay isang lubhang nakakahawang viral disease na madaling kumalat sa pamamagitan ng hangin at respiratory droplets kapag ang taong may impeksiyon ay umuubo, bumabahing, o humihinga. Maaari itong makahawa kahit bago pa lumabas ang tipikal na pantal.
Ano ang mga sintomas na dapat bantayan?
π‘οΈ Mataas na lagnat
π€§ Sipon
π· Ubo
ποΈ Mapulang at watery na mata
βͺ Maliliit na puting spots sa loob ng bibig
π΄ Pantal na karaniwang nagsisimula sa mukha at leeg at kumakalat pababa sa katawan.
β οΈ HINDI LANG βPANTALβ ANG TIGDAS
Bagamaβt maraming pasyente ang gumagaling, ang measles ay maaaring maging seryoso at maging life-threatening, lalo na sa maliliit na bata at mga taong may mahinang resistensya.
Maaaring magkaroon ng:
* π« Pneumonia
* π§ Encephalitis o pamamaga ng utak
* π§ Severe diarrhea at dehydration
* π Ear infection
* ποΈ Blindness
* At sa malulubhang kaso, pagkamatay.
π BAKUNA ANG PINAKAMABISANG PROTEKSYON
Ang measles-containing vaccines, gaya ng MR/MMR, ay ligtas at epektibo. Dalawang doses ang inirerekomenda upang makamit ang mas mataas na antas ng proteksiyon; ayon sa WHO, humigit-kumulang 84% protection ang isang dose at maaaring umabot sa 97% pagkatapos ng second dose.
At oo, maaaring magkaroon ng mild side effects tulad ng pananakit o pamumula sa injection site, lagnat, o mild rash. Ngunit ang serious adverse reactions ay napakabihira, at mas mataas ang panganib ng malubhang komplikasyon mula sa mismong measles kaysa sa karaniwang vaccine reactions.
β βMAS MABUTI ANG NATURAL IMMUNITY.β
Natural immunity after measles infection can occurβbut it comes with the risk of actually getting the disease and its complications. Hindi kailangang magkaroon muna ng measles upang magkaroon ng immunity. Ang vaccination provides protection without requiring a person to go through the potentially dangerous infection.
β€οΈ PARA SA MGA MAY ALINLANGAN
Hindi masama ang magtanong.
Hindi masama ang humingi ng paliwanag.
Pero mahalagang ang desisyon ay nakabatay sa tamang impormasyon at siyentipikong ebidensya.
Kung may concern tungkol sa bakuna, magtanong sa doktor, nurse, midwife, o health center at huwag umasa lamang sa posts, chain messages, o videos na walang malinaw na source.
Protektahan ang sarili. Protektahan ang pamilya. Protektahan ang komunidad. π‘οΈπ
BAKUNA AY PROTEKSYON. BAKUNA AY PAGMAMALASAKIT. β€οΈπ
can be fatal.
Do you know its symptoms?
π΄ Rash that starts on the face and spreads over the body
π΄ Fever
π΄ Cough
π΄ Red and watery eyes
π΄ Small white spots inside the cheeks
Seek health care if you suspect you or your child has measles: https://zurl.co/GrUE2