26/07/2026
‼️
Muli po nating ipinapaalala: Huwag gawing espasol ang sugat. Huwag budburan ng pulbos mula sa antibiotic capsule na ginawa para inumin.
Hindi po ito tamang paraan ng paggamot at maaari pang magdulot ng iritasyon, impeksiyon, at maling paggamit ng antibiotic. Kapag may sugat, linisin nang maayos at magpakonsulta kung kinakailangan.