09/09/2026
Stroke o Cerebrovascular Disease (CVD) ay isa sa pangunahing sakit ng mga Pilipino ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Tumataas taon-taon ang kaso ng mga pasyenteng may Stroke mula sa edad na 30 pataas. Mahigit sa 50% ng mga mamayang Pilipino na diagnose ng Stroke ang nababawian ng buhay dahil sa kakulangan ng access sa maayos na lunas at edukasyon ukol sa sakit na ito.
Ngayong Setyembre 2026, isa sa layunin ng mga Physical Therapists o Physiotherapists ang pagpapalawak ng attensyon at edukasyon kaugnay sa Stroke.
Laging tatandaan na alagaan ang ating kalusugan. Huwag balewalain ang sintomas ng Stroke. Dahil sa simpleng "high blood" na kung ituring ng marami, tumataas ang posibilidad mo na magkaroon ng Stroke kapag hindi mo ito bibigyan ng pansin.