Angono - Binangonan Center of Dialysis

Call Directions Contact the practice

Angono - Binangonan Center of Dialysis Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Angono - Binangonan Center of Dialysis, Dialysis Clinic, Ground floor, St. Therese De Lima Medical Hospital National Highway, Bagumbayan, Teresa.

🩵💚
28/08/2026

🩵💚

26/08/2026

🩵🩺💚

Quality Dialysis Beyond Compare.🩺 100% Filipino-owned · PhilHealth-accredited · 35 centers nationwide💙💚
24/08/2026

Quality Dialysis Beyond Compare.

🩺 100% Filipino-owned · PhilHealth-accredited · 35 centers nationwide
💙💚

Quality Dialysis Beyond Compare.🩺 100% Filipino-owned · PhilHealth-accredited · 35 centers nationwide💙💚
24/08/2026

Quality Dialysis Beyond Compare.

🩺 100% Filipino-owned · PhilHealth-accredited · 35 centers nationwide
💙💚

Ipinagmamalaki ng Prime Dialysis Center Inc. ang pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa LIBRENG dia...
24/08/2026

Ipinagmamalaki ng Prime Dialysis Center Inc. ang pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa LIBRENG dialysis at rehabilitation services para sa mga taga-Tondo.

Nilagdaan ng aming CEO na si Dr. Gjay Ordinal, kasama si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ang kasunduan para sa Dialysis Center at Full Rehabilitation Facility sa G*t Andres Bonifacio Memorial Medical Center — walang gagastusin ang mga pasyente, at walang gagastusin ang lungsod.

Dumarami na po ang mga pasyenteng umaasa sa dialysis upang mabuhay. Layunin ng partnership na ito na mailapit ang de-kalidad at ligtas na serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan sa District 1 at sa lahat ng nangangailangan.

Maraming salamat po sa tiwala ng Lungsod ng Maynila. Patuloy po ang aming pangako: Quality Dialysis Beyond Compare.

🩺 100% Filipino-owned · PhilHealth-accredited · 35 centers nationwide

17/06/2026

MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS!

Sa panahon ng tag-ulan at pagbaha, huwag isantabi ang inyong kalusugan. Ang leptospirosis ay maaaring makuha sa paglusong sa baha o pag-inom ng tubig na kontaminado ng ihi ng mga hayop na may leptospira.

• Kung hindi maiiwasang lumusong sa baha, alamin ang tamang gabay sa pag-inom ng doxycycline ayon sa antas ng exposure.
• Iwasan ang paglusong sa baha hangga't maaari.
• Panatilihing malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng mga daga.
• Agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center o doktor kung nakaranas ng lagnat, pananakit ng katawan, sakit ng ulo, o iba pang sintomas matapos ma-expose sa baha.

Ang pag-iingat ay susi sa pag-iwas sa sakit. Protektahan ang sarili at ang pamilya laban sa leptospirosis.

17/06/2026

8 Golden Rules para sa Malusog na Bato

"Tunay na Bughaw ang Buhay kung ang Bato ay Masiglang Tunay”

Ang ating mga bato ay mahalaga sa pagpapanatiling malinis at malusog ng ating katawan. Sa simpleng pag-aalaga sa ating kalusugan araw-araw, maaari nating maiwasan ang mga sakit sa bato at mapanatili ang masiglang pamumuhay.

✔️ Mag-ehersisyo para lumakas ang katawan
✔️ Kumain ng masustansyang pagkain
✔️ Uminom ng sapat na dami ng tubig
✔️ I-monitor ang blood sugar
✔️ I-monitor ang blood pressure
✔️ Huwag manigarilyo
✔️ Huwag uminom ng gamot nang hindi nireseta ng doktor
✔️ Ipasuri ang kalagayan ng bato kung may diabetes, altapresyon, o kasaysayan ng sakit sa bato sa pamilya

Tandaan: Mas mabuti ang pag-iwas kaysa paggamot. Ang regular na pagpapasuri at pagkakaroon ng malusog na pamumuhay ay susi upang mapanatiling malakas at malusog ang ating mga bato.

Alagaan ang iyong bato ngayon para sa mas malusog na bukas!

06/05/2026

🧑‍⚕️NURSE : " sir, hindi po muna tayo maiinject ng EPO today hanggang sa makakuha tayo ulit ng CBC nyo. Doon lang po natin malalaman if magbibigay tayo or magbabawas ng frequency ng pag inject."

🙎 PATIENT : " bakit hindi, e diba mas mataas , mas maganda?"

CONTEXT:

Ang ESA (tulad ng Epoetin alfa at Darbepoetin alfa) ay ginagamit sa CKD at dialysis patients para itaas ang hemoglobin (Hb). Pero kapag nasobrahan (overdose), puwedeng maging delikado.
⚠️ Ano ang nangyayari sa ESA overdose?
Kapag sobra ang ESA:
⬆️ Masyadong tumataas ang hemoglobin (Hb)
⬆️ Lumalapot ang dugo (increased blood viscosity)
⬆️ Risk ng clotting (thrombosis)

🚨 Mga posibleng komplikasyon
Hypertension (mataas na BP)
Isa sa pinaka-common
Puwedeng mahirap kontrolin
Thromboembolic events
Stroke
Myocardial infarction (heart attack)
AV fistula clotting (access failure)
Seizures (bihira pero seryoso)

📊 Target vs. overdose
(based on KDOQI guidelines)

Ideal Hb: ~10–11.5 g/dL
❌ Iwasan: >13 g/dL 👉 Kapag lumagpas, tumataas ang risk ng complications

🛑 Management ng ESA overdose

STOP or HOLD ESA
Monitor:
Hemoglobin (weekly kung mataas)
Blood pressure
Address complications:
Antihypertensives kung mataas BP
Evaluate kung may clotting events
Resume ESA lower dose kapag safe na

💡 Important reminder sa dialysis setting
Hindi “mas mataas = mas maganda” ang Hb
Gradual lang dapat ang pagtaas (≈1 g/dL per 2–4 weeks)
Laging i-consider:
Iron status (ferritin, TSAT)
Inflammation
Blood loss.

"Lamang ang may Alam" - FocusSym

Disclaimer: "No Copyright Infringement intended".

゚viralシfypシ゚ ゚viralシ ゚

06/05/2026

CRAMPS Part2
Paano ba nagkacramps??

Madaling sundan:

STEP-BY-STEP NA MECHANISM

1️⃣ Mabilis na fluid removal (Ultrafiltration)
Sa dialysis, tinatanggal ang sobrang tubig sa dugo
Kapag mabilis ang UFR, bumababa ang blood volume
👉 Resulta: hypovolemia

2️⃣ Bumaba ang blood pressure
Dahil kulang ang circulating volume
Hindi agad nakaka-compensate ang katawan
👉 Resulta: intradialytic hypotension

3️⃣ Kulang ang daloy ng dugo sa muscles
Mas inuuna ng katawan ang vital organs (brain, heart)
Naiiwan ang skeletal muscles
👉 Resulta: muscle ischemia (kulang sa oxygen)

4️⃣ Electrolyte at osmolar shifts
Nagkakaroon ng pagbabago sa:
Sodium
Calcium
Osmolality

👉 Resulta: increased neuromuscular excitability
5️⃣ Biglang contraction ng muscle
Dahil sa ischemia + electrolyte imbalance
Nagiging hyperexcitable ang muscle fibers
👉 Resulta:
❗ Sustained involuntary contraction = CRAMPS
🔁 SIMPLE FLOW (pwede mong gawing infographic)
Mabilis na UF
⬇️
↓ Blood volume
⬇️
↓ BP (hypotension)
⬇️
↓ Muscle perfusion
⬇️
Electrolyte shifts
⬇️
👉 CRAMPS

Tapos "Nurse , Nurse, ...." na😆✌️

゚viralシfypシ゚ ゚viralシ ゚

Address

Ground Floor, St. Therese De Lima Medical Hospital National Highway, Bagumbayan
Teresa
1880

Telephone

+639283648867

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angono - Binangonan Center of Dialysis posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Angono - Binangonan Center of Dialysis:

Shortcuts

Share